Istorya ng Linggo Pambansang Isyu

Bantayan ang Halalan: PW Election Coverage


May makabuluhang pagbabago bang magaganap matapos ang halalan? Hindi tayo umaasa. Gayunman, pinahahalagahan natin ang halalan bilang demokratikong ehersisyong nilalahukan ng mga mamamayan — mga mamamayang gustong marinig ang boses, gustong makilahok sa pulitika, gusto ng makabuluhang pagbabago. Tulad ng nakaraang halalan, sasaklawin ng Pinoy Weekly ang iba’t ibang lugar para imonitor ang mga botohan […]

PCOS machines, atbp. ngayong halalan: Kailangang bantayan. (PW File Photo)
PCOS machines, atbp. ngayong halalan: Kailangang bantayan. (PW File Photo)

May makabuluhang pagbabago bang magaganap matapos ang halalan? Hindi tayo umaasa. Gayunman, pinahahalagahan natin ang halalan bilang demokratikong ehersisyong nilalahukan ng mga mamamayan — mga mamamayang gustong marinig ang boses, gustong makilahok sa pulitika, gusto ng makabuluhang pagbabago.

Tulad ng nakaraang halalan, sasaklawin ng Pinoy Weekly ang iba’t ibang lugar para imonitor ang mga botohan — lalo na’t inaasahang magkakaroon ng maraming  kalituhan, lokohan, at (posibleng) dayaan.

Gamit ang hashtag na #PWvote2013  iuulat ng mga mamamahayag ng Pinoy Weekly ang mga nasaksihang eksena sa botohan ngayong Mayo 13, 2013.