Kababaihan Videos

Bidyo: Paghihirap ng kababaihan sa Montalban

Mula sa iba’t ibang dinemolis na komunidad sa Metro Manila, nagsisikap ang kababaihan sa relokasyon sa Montalban, Rizal na buhayin ang kani-kanilang pamilya. Tila napakahirap nito sa pabahay ng gobyerno na malayo sa hanapbuhay, walang akses sa batayang mga serbisyo, substandard, at wala pa ring kaseguruhan na mapapasakanila.

Kababaihan, hirap sa buhay sa relokasyon (Pher Pasion)

Mula sa iba’t ibang dinemolis na komunidad sa Metro Manila, nagsisikap ang kababaihan sa relokasyon sa Montalban, Rizal na buhayin ang kani-kanilang pamilya. Tila napakahirap nito sa pabahay ng gobyerno na malayo sa hanapbuhay, walang akses sa batayang mga serbisyo, substandard, at wala pa ring kaseguruhan na mapapasakanila.

Ayon sa Gabriela at Defend Job Philippines na nagsagawa ng Fact-Finding Mission sa Montalban noong Pebrero 2, hindi papasa sa pamantayan sa pabahay ng United Nations ang pabahay na ngayo’y tinitirhan ng libu-libong pamilyang Pilipino.