Ilang eksena mula sa Makata’y Mandirigma, Mandirigma’y Makata


Itinanghal noong Araw ni Bonifacio ang isang dula na hango sa buhay ng lider-rebolusyonaryong si Jose Ma. Sison.

Noong Nobyembre 30, Araw ni Bonifacio, itinanghal sa University of the Philippines Theater ang Makata’y Mandirigma, Mandirigma’y Makata, isang dula na nakahango sa buhay ni Prop. Jose Maria Sison, Pilipinong lider-rebolusyonaryo. Itinanghal ang dula bilang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng Kabataang Makabayan, na itinatag ni Sison noong 1964.

Inihandog ng Anakbayan, Kilusang Mayo Uno, Bagong Alyansang Makabayan, Defend-Philippines, at International League of People’s Struggles-Philippines. Dalit ni Dr. Bienvenido Lumbera, National Artist for Literature, at libretto at dula ni G. Edward Perez Jr., Carlos Palanca awardee.  Dinerehe ni Rommel Linatoc, nilapatan ng musika ni Ricamela Saturay-Palis at grupong Kalantog. Disensyo sa ilaw ni Katsch Catoy at koryograpiya nina Jun Bueta at Edwin Quinsayas.

makata mandirigma-1