Sakit ng baboy

May 8, 2009

Sanay sila na makatanggap ng “pabuyang baboy” (pork barrel) pero hindi ibig sabihi’y hindi na sila maaaring tablahan ng sakit na Influenza A (H1N1) Virus, o mas kilala bilang swine flu virus.

Binastardo ng mga trapo’t berdugo

May 2, 2009

Ginamit ng administrasyong Arroyo ang sistemang party-list para lalo pang pahigpitin ang kontrol sa Kamara at magpakawala ng mga alipores na uubusin lamang ang panahon sa panghaharas at paninira ng lehitimong mga kinatawan ng party-list.

Usapang lalaki (1)

May 2, 2009

(Una sa dalawang bahagi) Mahirap maging babae sa kasalukuyan. Sa panahon ng kilusang kababaihan noong dekada 70 nauso ang kasabihan sa wikang Ingles: “A woman has to work twice as hard to be considered half as good as a man.” Tila pinagkaisahan ng lahat ng insitusyong panlipunan ang kababaihan. Ang pamantayan ng kagandahan ay mababang […]

Krus na Ligas

May 2, 2009

Ibang mundo ang Krus na Ligas, sa laylayan ng kampus ng UP. Siksikan sa tao, sasakyan, tirahan, at mga building na naglalakihan para sa mababang gitnang uring komunidad, ang Krus na Ligas ay sabayang kontest sa soberenya ng taumbayan na nakakapagtatag ng individual at kolektibong buhay sa lunan na ito sa isang banda, at paglalatag […]

Bulok na sistema talaga

April 27, 2009

IBINALANDRA na naman ng pulisya ang kanilang kainutilan. Ipinakita na naman nila ang kanilang bangis sa kasalukuyang kaso ng isang bantog na brodkaster.

Modyul sa pagsulat ng skit

April 26, 2009

ILANG araw na lamang at Mayo Uno na. Ang mga grupong kultural ay nagkakandakumahog gumawa ng skit at iba pang presentasyon para sa okasyon. Narito ang ilang punto tungo sa pagwo-worskhop ng mga idea at skip para sa Mayo Uno. Una, tandaan ang ilang bagaysa skit. Ito ay itatanghal sa rali. Mataas na ang panawagan […]

Wikang Ingles bilang desperadong diskurso

April 21, 2009

Kakaibang ebolusyon ng wika ang nangyayari ngayon. Ang isang buhay na wika (tulad ng Filipino at Ingles) ay may mga salitang maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan, depende sa lugar na kinaroroonan mo o sa konteksto ng paggamit ng mga ito. Ang ”pagyao” ng isang kaibigan, halimbawa, ay maaaring pagkamatay (kung taga-Maynila ka) o simpleng […]

Trahedya ng pagbabalita

April 19, 2009

KAHIT na may drama sa istoryang inuulat ng peryodista, hindi dapat maging telenovela ang isang balita. Sa pagkokober ng pinakahuling pangyayari sa pagkamatay ni Trinidad “Trina” Arteche-Etong, asawa ng brodkaster na si Ted Failon, alam nating nagsimula ang telenovela sa seryosong komprontasyon ng mag-asawa dahil sa pera. May spekulasyon ding ang pinag-awayan daw ay hindi […]

Warrantless arrest

April 19, 2009

PINAG-UUSAPAN ngayon ang pagkamatay ng asawa ng tanyag na brodkaster na si Ted Failon. Ngunit mas pinag-uusapan ang isinagawa ng pulisyang imbestigasyon sa pangyayari at ang naging resulta nito. Marami ang nagtaas ng kilay nang biglang arestuhin ng pulisya ng walang warrant of arrest si Ted Failon, ang drayber at mga kasambahay ng pamilya, ang […]