Opinyon

Budget Cut Blues

Kapapasa lamang ng Kamara ang pambansang badyet para sa 2011. Tinuligsa ito ng mga progresibong mambabatas bilang minadali, at nagtataglay ng mga baluktot na mga prayoridad. Ang dahilan ni Noynoy? Ang nasabing pondo ay kinakailangan ilipat sa mga sektor at serbisyo na mas nangangailangan. Isang ehemplo na ginamit niya ay ang mga SUCs. Sa harap ng maraming batikos sa kanya dahil sa pagkaltas sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas, inihintulad niya ang mga SUCs bilang mga ‘lumalangoy’ at ang UP bilang ‘nakakalangoy’ at ang iba bilang ‘hindi nakakalangay’.

Topak Obama

Bukod sa natalo ang Democratic Party ni Presidente Barack Obama sa Republican Party, na isang datos, nagkakasundo sa limang bagay, sa minimum, ang mga nabasa kong pagsusuri sa kakatapos na eleksyong mid-term sa US. Una, naging referendum ang eleksyon sa dalawang-taong panunungkulan ni Obama bilang pangulo. Ikalawa, lumaki ang suporta ng Republicans habang kumitid naman ang sa Democrats. Ikatlo, sentral na usapin sa pagboto ng mga mamamayang Amerikano sa eleksyong ito ang ekonomiya. Ikaapat, malaki-laki ang papel ng Tea Party sa naging takbo at resulta nito. At ikalima, mapagpasya ang resulta sa magiging mga hakbangin ng rehimeng Obama.

No strike, no lock-out provision’ sa CBA

Sa mga unyonistang pamilyar sa collective bargaining agreement (CBA, hindi na bago ang salitang “no strike, no lock-out provision.” Ang ibig sabihin ng salitang ito ay pinagkakasunduan ng kompanya at ng unyon na samantalang buhay ang kanilang CBA ay hindi maaaring magwelga ang mga manggagawa at hindi maaaring mag-lock-out ang manedsment. Paano ngayon kung nagwelga ang mga manggagawa sa kabila ng “no-strike-no lock-out provision” sa CBA?

Kuwentong kotse (1)

Kuwentong kotse po ito. Wala man akong intensiyong magdagdag ng termino sa diksiyonaryo, gusto kong gamitin ang kataga para ilarawan ang nangyayari kapag masyadong nagtitiwala ang isang motorista sa sabi-sabi ng malalaking kapitalista.

2,600 empleyadong sinibak

Hindi na maaring maitatwa pa. Ang administrasyon ni Noynoy Aquino ay tunay na pro-kapitalista. Ang lakas naman ni Lucio Tan, ang may-ari ng Philippine Airlines (PAL). Nabili niya ito sa bargain price, nagkaroon ng exklusibong airport para rito, at ngayon naman ay kinampihan pa ang desisyon ng kanyang management na sibakin ang kanyang 2,600 na empleyado para higit pa itong kumita.

Kabaliwan bilang pangangailangan

Lungsod ng Tabaco, Albay – Ano ba ang ginagawa ko? Bakit ba ako nagsusulat sa panahong dapat ay inilalaan ko sa pamamahinga? Hindi ba't ang pansamantalang pagtakas sa probinsiya ng Bikol ay para manumbalik ang katinuang ninakaw ng lipunang ginagalawan?

Dancing manggagawa

Ito ang isa sa pinakasukdulang imahen ng paggawa at manggagawa. Ano ang pinagkaiba ng flight attendants ng Cebu Pacific sa entertainers at GROs sa red-light district? Kung pareho lang naman silang sumasayaw para sa kanilang sahod, ginagamit ang katawan para gumiling sa puntong patungo na ang eroplano sa ere, na ang kanilang paggawa ay isa nang segment sa noontime variety show?

Empire State of Mind

Progresibo ba ang kantang “Empire State of Mind” ni Alicia Keys? Ito ang nakakaaliw na talakayan noon sa wall ng Facebook ni Kenneth Guda na ipinasilip niya sa akin. Inudyukan ito ng isang mahusay na live performance ni Ms. Keys ng nasabing kanta.

Troll You Need is Love

Matagal ko nang nababasa ang salitang “troll” sa mga blog, pero hindi ko alam ang ibig sabihin. Inalam ko na lang nitong huli kaugnay ng isang dating madalas magkomento sa blog ko.