Opinyon

God knows Hudas supports Budget Cuts

Habang naghahanda ang libu-libong estudyante, guro, at kawani para sa mga ngayo’y-makasaysayang campus strikes laban sa pagkaltas sa badyet ng mga State Universities and Colleges (SUCs), iba ang tinig ng mga ilang grupo sa iilang kampus ng Unibersidad ng Pilipinas.

Huwag kang magprotesta sa Disyembre 1

Magkakaroon daw ng malawakang pagkilos ang mga estudyante’t guro ng maraming state universities and colleges (SUCs) para tutulan ang pagtapyas sa kanilang badyet. Tutuloy daw sila sa Senado para igiit ang mas mataas na alokasyon. Makakaasa ka ng panibagong ingay na likha ng libo-libong taong galit dahil sila raw ay ginigipit.

Usapin sa pagreretiro

Ang pagreretiro ay isa sa mga bagay na inaasahan ng isang manggagawa kaugnay ng kanyang trabaho. Ngunit may mga pagkakataon na gusto pang magtrabaho ng manggagawa ngunit pinapagretiro na siya ng kompanya. Sa pagkakataong ito, sino ang dapat na masunod: ang manggagawa o ang kompanya?

I Can’t Strike This Feeling Any Longer

Usap-usapan ngayon sa alternatibong midya ang pagpoprotesta ng mga estudyante ng mga State Colleges and Universities (SCUs), tampok ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa itinutulak ng rehimeng Aquino na pagkaltas sa badyet ng mga paaralang ito. Lumalabas na isang porma ng protesta ang tinatawag ng mga kalahok na “strike” o welga. Mas mataas ang antas ng militansya nito kumpara sa mga nakaraang porma ng protesta tulad ng walkout sa klase, boykoteo, at paglulunsad ng rali. May konotasyon ito ng aktibong paghadlang sa normal na operasyon ng mga pamantasan para magprotesta.

Para sa estudyanteng ayaw magmartsa sa kalsada

Isang martsa lang siguro ang nasa isip mo ngayon. Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, mabagal kang maglalakad papunta sa entablado para kunin ang iyong diploma. Sa paghawak ng iyong pinakaaasam na katibayan ng iyong tagumpay, mapapatingin ka sa mga nanonood at ngingitian mo silang lahat.

Asukal sa Gatas na Pambata

Anu-ano ang ibinebenta at ipinapabili sa atin ng patalastas ng gatas na Nido 3+ ng Nestle na pinagbibidahan nina Kris Aquino at ng anak niyang si Baby James Yap?

Huli na ang Lahat

Ikalawang taon na niya dapat sa kursong Physical Theraphy sa UP Manila. Pero sa kasalukuyan, estudyante siya ng Biology sa Far Eastern University. Aniya, ito lang ang paraan para panatiliin ang kanyang scholarship dahil sobrang hirap mamintina ang kanyang ‘average’ na grado sa sobrang ‘toxic’ sa UPM. Hindi naman niya kayang bayaran ang kabuuang matrikula sa UP.