Opinyon

Babay, Big Three!

Naninindigan ang mga progresibo na tama ang kanilang pagsusuri na "overpriced" ang presyo ng mga produktong petrolyo. Dapat lang hamunin ang kartel ng langis, at ang mga tagasuporta nila: Kung hindi totoo ang "overpricing," hindi kayo matatakot bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na usisain ang bawat pagtataas n'yo at pigilan kung totoo ang mga ito.

Woman in the World

Naalala ko ang tanong ng isang sosyalistang feminista sa klase niyang binubuo ng kababaihan: “Kayo ba, hindi ba kayo nababastos kapag sinisipulan kayo ng mga construction worker?” Ang punto niya, malaganap din ang machismo, ang seksismo – o ang tinatawag na “pyudal-patriyarkal” na kaisipan – sa mga inaaping uri. Tama naman. Pero may pagdadala rin sa punto niya na parang kalalakihan ang kalaban ng kababaihan.

P9.50

Ang pinakaramdam ng mga estudyante na epekto ng oil price hikes ay ang pagtaas ng pamasahe. Bagama’t nagtaas na nung Enero ng P1.00, nananawagan uli ang ibang mga transport group ng dagdag na P2.50. Pero marami pang ibang naaapektuhan ang pagtaas ng presyo ng langis kaya tinatawag na may ‘domino effect’ ang mga oil price […]

Anunsiyo

Pansamantalang hindi magsusulat ng mga artikulo para sa kanyang kolum na “Konteksto” sa Pinoy Weekly si Prop. Danilo Araña Arao habang pinag-aaralan niya ang kanyang bagong trabaho bilang Assistant Vice-President for Public Affairs at Director, System Information Office ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Babalik siya sa kanyang lingguhang pagsusulat ng kolum sa Abril 1 (Biyernes). […]

Ereksyon Pacasta

Iyan, kung hindi siya nagkakamali, ang pangalan ni Ericson L. Acosta sa isang isyung lampoon ng Philippine Collegian, publikasyon ng mga mag-aaral ng unibersidad. Ang pagkamalikhain ng staff, lumalabas hindi lang sa mga nakakatawang artikulong may banat sa pulitika ng kampus at bansa, kundi maging sa by-line at staff box. Ang mga pangalan ng manunulat, kadalasang hinahanapan ng bastos na katunog o kamukha.

Pagkansela ng rehistro ng unyon

Alin ba ang mas mahalaga: ang karapatan ng mga manggagawang magkaroon ng isang unyon o ang karapatan ng kapitalistang patanggalan ang unyon ng registro dahil sa hindi pagbigay nito ng kaukulang dokumento sa may kapangyarihan?