Pag-aalala sa gitna ng pangungulila

November 8, 2009

DAEJEON, Timog Korea – Bigla ang pagbaba ng temperatura noong Linggo kasabay ng pag-init ng ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila, hindi lang sa usaping personal kundi sa usaping pulitikal. Hindi na nga katanggap-tanggap ang panginginig ng katawan ko, nakakadagdag pa sa emosyonal na bagahe ang mga balitang nababasa’t napapanood ko tungkol sa […]

Pahaging sa responsableng blogging (Huli sa dalawang bahagi)

November 1, 2009

Walang problema sa intensiyon pero may malaking isyu sa implementasyon. Hindi dapat pagdudahan ang motibasyon ni Ella noong Oktubre 21 na ipakalat sa pamamagitan ng kanyang blog ang diumanong pananatili ng relief goods sa warehouse ng Department of Social Work and Development (DSWD). Hangga’t walang ebidensiyang ginawa niya lang ito bilang taktikang search engine optimization […]

Pahaging sa responsableng blogging (Una sa dalawang bahagi)

October 25, 2009

Gaano na ba kalawak ang impluwensiya ng Internet sa Pilipinas? Ayon sa pinakahuling datos ng Internet World Stats (http://www.internetworldstats.com/asia.htm#ph), ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng Internet ay umaabot na sa 24 milyon (Hunyo 2009). Limitado man ang saklaw ng kasalukuyang naaabot ng Internet – 27 porsiyento lang ito ng kabuuang populasyong 88.6 milyon (National […]

Trahedya sa panahon ng Facebook

October 18, 2009

Maraming dapat ipagpasalamat sa Facebook (FB) bagama’t ito rin ang dahilan ng paminsan-minsang pagkaantala ng ilang gawain. Sa panahon ng trahedya’t malayo ako sa Pilipinas, malaking bagay ang social media tulad ng FB para malaman ang nangyayari sa mga mahal sa buhay. Mahalaga rin ito sa mabilis na pagkuha ng impormasyon. Masasabing may magandang ugnayan […]

Nang dahil sa lamig ng Korea

October 11, 2009

DAEJEON, Timog Korea – Lumalamig ang panahon. Nararamdaman ko na ang ginaw sa paglabas ng bahay. Ang dating init ng araw na bumabati sa aking paglalakad ay napalitan na ng hanging nagpapataas ng balahibo sa aking katawan. Tila pababa nang pababa ang temperatura sa paglipas ng araw, lalo na sa pagsapit ng gabi. Panahon na […]

Bagyo, peryodismo at gobyerno

October 3, 2009

DAEJEON, Timog Korea – Sinusulat ko ito sa panahong muling nakakaranas ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas bunga ng paparating na bagyong Pepeng (Param). Batay sa mga nakalap kong balita mula sa midya sa Pilipinas, malinaw na ang pag-alis ng bagyong Ondoy (Ketsana) ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos sa trahedyang kinakaharap ngayon […]

Ilang bagay na kailangang malaman sa Labor Force Survey

September 27, 2009

Naniniwala ka bang 2.9 milyong katao lang ang walang trabaho samantalang 35.5 milyon ang may trabaho? Saan kaya hinugot ng pamahalaan ang mga datos na ito? Ayon sa Labor Force Survey (LFS) noong Hulyo 2009 (na inilabas ng National Statistics Office (NSO) noong Setyembre 15), 92.4 porsiyento ng mga nasa lakas paggawa (labor force) ay […]

Pagmamanman bilang pagsasanay

September 18, 2009

Iba talaga ang pagtrato ng militar sa mga sibilyan. Puwedeng-puwede silang pag-eksperimentuhan bilang bahagi ng pagsasanay ng mga nais magsundalo. Sadyang walang pakundangan ang mga dapat na nagtatanggol sa mamamayan! Nahuli noong umaga ng Setyembre 17 si Cpl. Hannibal Guerrero na kinukunan ng litrato ang bahay ni Dr. Bienvenido Lumbera sa Mapayapa Village, Quezon City. […]

Eleksiyon at pagbabago

September 14, 2009

Gusto mo ng pagbabago? Ganoon din ako. May plano ka bang bumoto ngayong Mayo 2010? Kung ang sagot mo’y oo, mainam dahil pareho tayo. Alam nating isa lang ang boto natin kaya hindi dapat masayang ito. Kailangan ang maingat na pagpili sa mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksiyon, lalo na sa posisyon ng Pangulo. […]

Paano magdasal ang mga nasa kapangyarihan?

September 6, 2009

Sa ngalan ng ama, ng anak, at iba pang kamag-anak. Pareho kaya ang paraan ng pagdarasal at pagkakamal ng mga nasa kapangyarihan? Para sa pamahalaan, ang Setyembre 12 (Sabado) ay National Day of Prayer for Peace and Sanctification of Spiritual Leaders. Hinihikayat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lahat na sama-samang magdasal. Sabi ni Macapagal-Arroyo sa […]