Kapirasong Kritika

Dahil Sa K?

Sa ngayon, alam na ng marami ang nangyari kay Dominique Strauss-Kahn o DSK, hepe ng International Monetary Fund: inaresto, ikinulong at hindi pinayagang magpyansa dahil inakusahang nanggahasa ng manggagawa sa mamahaling otel na tinulugan niya. Halos kalahati ng edad niya ang biktima, na dinamba at dinakma na lang niya noong pumasok sa kwarto niya para maglinis. Ang epekto: nawasak ang mabangong pangalan niya at ang magandang tsansa niyang maging sunod na pangulo lang naman ng France.

Dominanteng Diskurso sa RH Bill

(1) Sa ngayon, dalawang panig ang dominante sa tunggalian hinggil sa kontrobersyal na Reproductive Health o RH Bill: ang rehimeng Aquino, tampok ang Akbayan at mga kaugnay na grupo, at ang Simbahang Katoliko. Para sa mga katulad kong sumusuporta sa RH Bill, masamang balita na ganito nagkahugis ang pampublikong talakayan sa isyu.

Katoliko Sarado

Sa interbyu niya sa Buhay Manggagawa tungkol sa kasaysayan ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Mandy Felicia, training director ng Ibon Foundation, na pulitikal ang pagdiriwang ng naturang okasyon sa mismong petsang Mayo Uno.

Noynoy Halos Isang Taon Pagkatapos

Mula nang pumasok ang taon, sunud-sunod ang indikasyong tumitindi ang kahirapan ng mga mamamayang Pilipino. Nariyan ang balitang lumaganap ang kawalang-trabaho. Sumunod ang balitang dumami ang nakakaranas ng kagutuman at kahirapan. Sunud-sunod na nagtaasan ang presyo ng mga produktong petrolyo at batayang bilihin. Mas grabe ang pagtataasang ito kumpara sa taun-taong ritwal ng mga presyo sa simula ng taon. Kaya naman ang sahod ng mga manggagawa, nabawasan nang matindi ang tunay na halaga: P7.00 raw, ayon sa isang pag-aaral, sa maiksing panahon sa pwesto ni Noynoy Aquino. Nabawi ang P5.00 itinaas sa tunay na sahod sa ilalim ni Gloria Arroyo.

Jan-jan, Dito-dito

Walang pagtatalo: Kahirapan ang pangunahing usapin sa eskandalong kinakasangkutan ngayon ni Willie Revillame at ng batang si Jan-jan. Kahirapan ang nagtulak sa batang si Jan-jan at sa kanyang mga kaanak na pumunta sa palabas na Willing-Willie at ihain ang pamoso na ngayong sayaw ng bata. Kahirapan ang sinasamantala ng palabas ni Willie: pinapapunta ang mahihirap, pinagkukwento ng kahirapan, ginagantimpalaan at minsan ay pinagkakatuwaan din ang kahirapan.

Ibang Lebel ang Dokyung Ka Bel

Isang komentong narinig ko tungkol sa bidyo-dokumentaryong Ka Bel ng Mayday Multimedia ang pagiging “masalita,” lalo na simula sa ikalawang hati. Sana raw ay mas marami ang ginawang pagsasadula o “pagsasapelikula” ng buhay at pakikibaka ni Crispin “Ka Bel” Beltran, makabayang lider-anakpawis at lider-manggagawa. Patungkol ito, na tiyak na nakaugat sa limitadong pondo at rekurso ng mga independendyenteng pagsisikap na ganito sa bidyo, sa biswalidad na mahalagang salik ng anumang bidyo.

Libya y Libertad

Lumalabas na naman ang pagiging ipokrito ng imperyalistang US sa pagbibigay-katwiran nito sa gerang agresyong inilulunsad nito sa Libya. “Tumutugon tayo sa mga panawagan ng isang nanganganib na sambayanan,” sabi ni Presidente Barack Obama ng US. Ipinagtatanggol lang daw ng US ang mga mamamayang Libyan na lumalaban at nagpapabagsak sa gobyerno ni Muammar Gaddafi, presidente ng naturang bansa.

Woman in the World

Naalala ko ang tanong ng isang sosyalistang feminista sa klase niyang binubuo ng kababaihan: “Kayo ba, hindi ba kayo nababastos kapag sinisipulan kayo ng mga construction worker?” Ang punto niya, malaganap din ang machismo, ang seksismo – o ang tinatawag na “pyudal-patriyarkal” na kaisipan – sa mga inaaping uri. Tama naman. Pero may pagdadala rin sa punto niya na parang kalalakihan ang kalaban ng kababaihan.