Special economic zones: Solusyon o problema?

June 27, 2010

Nitong nakaraang linggo ay naging panauhin ako sa isang pagpupulong  ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa loob ng mga Special Economic Zones. Tinalakay sa  nasabing pulong ang kanilang kalagayan sa halos dalawang dekada na pananatili ng mga Special Economic Zones (ecozones) dito  sa ating bansa. Ang  ang batas tungkol sa mga ecozones (Republic Act 7916) […]

Dahil sa hindi pagkibo ng unyon

June 21, 2010

Maaaring naging matagumpay ang isang unyon na makamit ang isang  benepisyo sa pamagitan ng sama-samang tawaran (collective bargaining). Ngunit   kahit ang isang benepisyo ay nakalagay na sa collective bargaining agreement (CBA),  kailangan pa rin ang masusing pagbabantay ng unyon para matiyak ang  lubusang  pagtupad  ng  manedsment sa benepisyong ito. Ang anumang kapabayaan sa panig ng […]

Mag-ingat sa paglagda ng waiver at quitclaim

June 13, 2010

Sa kasalukuyang panahon ay marami sa mga manggagawa ang  boluntaryong   pinagbibitiw  sa kanilang mga trabaho ng kanilang  mga kompanya,  kapalit ng pagbayad sa kanila ng separation pay.  Bunga raw kasi ito ng nagaganap na krisis pang-ekonomiya. Pagtanggap ng manggagawa ng bayad mula sa kompanya, palalagdain siya nito ng Waiver and Quitlaim kung saan nakasaad na […]

Tinanggal ng may dahilan ngunit walang abiso

January 4, 2010

Bago matapos ang taon, muling inulit ng  Korte Suprema  ang hatol nito tungkol sa karapatan ng manggagawa na mabigyan ng abiso ng kompanya sa panahong siya ay tinatanggal sa kanyang trabaho. Sa kasong “Ramon B. Formantes vs. Duncan Pharmaceuticals, Phils. Inc.”, (GR No.170661, December 4, 2009), muling inilinaw ng Korte Suprema na ang isang manggagawa na […]

Election prohibition

December 21, 2009

Nitong unang araw ng Disyembre, ibinaba ng Korte Suprema ang desisyon nito sa kasong “Eleazar P. Quinto et. al. vs.Comelec  (G. R. No.  1899698). Ang desisyong ito ay may malaking epekto sa mga manggagawa ng gobyerno na may ambisyon at gustong lumahok sa politika. Sa kasalukuyang batas kasi hinggil sa eleksiyon, ang Republic Act No. […]

Ang doktrina ng “strained relations”

December 1, 2009

Sa  ilalim ng batas,  ang  isang manggagawa na napatunayang  ilegal na tinanggal ng kompanya  sa kanyang trabaho ay may karapatang bumalik dito.  Ngunit may pagkakataon minsan na hindi na siya naibabalik sa kanyang trabaho kundi binabayaran na lamang ng kanyang separation pay. Halimbawa, kapag ang ang mangggawa ay umuukupa ng posisyong nangangailangan ng malaking pagtitiwala […]

Partido sa halalan

November 9, 2009

Noong Linggong nagdaan ay dumalo ako sa lamay ng isang kamag-anak. Hindi maiwasan ng mga taong nandoon na pag-usapan ang samut-saring paksa upang labanan ang antok. Isa sa kanilang napag-usapan ay ang darating na eleksyon. “Totoo bang umalis si Chiz sa NPC ?” tanong ng isa. “Hindi ba dito siya naging kongresista at senador sa […]

Mataas na bayarin sa hukuman

November 3, 2009

Isang grupo ng manggagawa ang nagtanong sa atin: “Paano ba kung hindi namin kaya ang gastusin sa aming mga kaso? Ano pa ang pwede naming gawin?” Tama lang na itanong nila ang bagay na ito. Sa kasalukuyan , nakaka- alarma nga ang taas ng bayarin sa husgado, pati na ang sa kaso ng mga manggagawa. […]

Na-trapik ang appeal bond

October 27, 2009

Sa isang labor case, kapag natalo ang manggagawa , maari siyang mag-apela sa National Labor Relations Commission (NLRC). Wala siyang babayaran sa gagawin niyang apela maliban lamang ang “appeal fee”  na nagkakahalaga ng   mahigit P500.00. Ngunit kung ang manedsment ang matalo, kailangan pa niyang maglagak ng “bond” na katumbas ng  napanalunang pera ng manggagagawa. Ang […]

Iba ang nag-punch in

October 19, 2009

Matatanggal ba sa kanyang trabaho ang isang manggagawang nagpa-punch in ng kanyang time card sa ibang manggagawa ? Ang tanong na ito ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Eats-Cetera Food Services Outlet, et. al. vs. Myrna Letran and Mary Grace Espadero (G.R. No. 179507) na binigyan ng desisyon ng Korte Suprema nito lamang Oktobre […]