Husgahan Natin

Kasambahay ba o hindi?

...ang isang kasambay ay isang taong gumagawa ng mga gawaing pambahay katulad ng pagiging katulong, yaya, taga luto, hardinero, o taga laba. Hindi kasama rito iyong mga driver ng pamilya at iyong mga nagbibigay ng serbisyong pambahay paminsan-minsan lang at hindi permanente.

Probationary period na lampas anim na buwan?

Ang karaniwang haba ng probationary period na ito ay anim na buwan. Maaari lamang itong habaan ng kompanya kung may kasunduan tungkol dito. Ang patuloy na pagtatrabaho ng isang manggagawa sa kompanya nang lampas sa kanyang probationary period ay nangangahulugan na regular na manggagawa na siya ng kompanya.

Kaso nina Ka Satur: ano nga ba talaga?

Ang RA 10364 ay ang Expanded AntiTrafficking in Persons Act of 2012. Ipingbabawal ng batas na ito ang pagbibiyahe sa isang tao para siya ay magamit sa sapilitang pagtatrabaho, eksploytasyong seksuwal, pang-aalipin, o pagtanggal at pagbenta sa mga panloob na bahagi ng kanyang katawan.

Silang mga kasambahay

Ginagampanan nila ang lahat ng gawain sa bahay, mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap. Sila ang nagluluto ng ulam, naglilinis ng bahay, naglalaba ng damit at nag-aalaga ng mga bata at matanda. Bahagi sila ng maraming pamilya at maiiba ang takbo ng buhay kapag wala sila