Prof. Kim Gargar

Ang kaugnayan ng mga bato sa buhay na mga bagay

August 28, 2014

Sino ang mag-aakala na ang mga bato sa dalampasigan ay makatutulong sa ating pang-unawa sa katangian at pag-unlad ng Buhay? Ang mga bato na kinahihiligang kolektahin, tingnan, at pag-aralan ng mge heolohiko (geologist) ay maituturing na pinakamalinaw na halimbawa ng isang di-buhay na bagay (non-living thing). Walang hindi sasang-ayon na ang mga bato ay hindi […]

Prof. Kim Gargar

Kapag ginamit ang siyensiya sa masama

August 19, 2014

Ang pagsabog ng bombang atomiko ng US sa Hiroshima at Nagasaki sa bansang Hapon na marahil ang pinakamalaking halimbawa ng masamang kahihinatnan ng agham at teknolohiya sa kamay ng monopolyo kapitalismo. Maraming siyentista, lalo na ang mga liknayanong naging sangkot sa paglikha ng bombang nukleyar, ang nagising sa katotohanang ang kanilang mga pagsisikap na alamin […]

Prof. Kim Gargar

Mga bituin sa kalawakan

May 27, 2014

Nagpapasalamat ako sa mang-aawit na si Jason Mraz sa maraming magagandang awit niya, lalo na sa kanyang bagong kantang “I Won’t Give Up”. Pinaaalala nito sa mga tagapakinig na tumingala sa kalangitan at pahalagahan ang mga bituin at ang araw (na isa rin namang bituin na sobrang lapit) tulad ng pagpapahalaga na ating ipinapakita sa […]

Saan nanggagaling ang talino at kalistuhan ng bata?

January 19, 2014

Hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ng aking ina ang isang pangyayari noong high school graduation ko. Isang klasikong kuwento ng kahapon ito na hindi na mawawalan ng kapangyarihang patawanin kaming lahat sa pamilya. Kahit ngayon, habang sinusulat ko ito, hindi ko maiwasang ngumiti at matawa sa alaalang ito. Pagkatapos ng graduation ceremonies noong hayskul, […]

Prof. Kim Gargar

Mga kuwento sa piitan

January 12, 2014

Mula Selda 5 ng Mati City Provincial Jail, inilipat ako sa Selda 4 ng Baganga Jail sa Davao Oriental. Maraming malakas na hampas ng mga alon ng Karagatang Pasipiko habang tanaw naman mula rito ang mahabang bulubundukin ng Davao Oriental. Sa loob naman ng mga selda ay maririnig ang maraming kuwento na tila ang selda […]

Prof. Kim Gargar

Problema ng basura

January 6, 2014

Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang […]

Prof. Kim Gargar

Mga ritmo ng buhay

December 23, 2013

Marami sa mga sumusubaybay sa aking kaso ang naging interesado sa isang espesyalisasyon sa agham na kronolohiya o ang pagaaral sa mga regular na ritmo sa mga hayop, halaman at iba pang buhay na bagay. Kasama sa mga pinag-aaralan dito ang pang-araw-araw na pangyayari sa ating katawan tulad ng pagtulog; ang buwanang dalaw ng mga […]

Prof. Kim Gargar

Ang laksang buhay sa kabundukan ng Compostella Valley at Davao Oriental*

October 25, 2013

Kung tatanungin ang mga naninirahan sa Mati City ng Davao Oriental Province kung gaano kadami ang alitaptap sa siyudad, ang kadalasang sagot nila ay hindi pa sila nakakakita nito. ’Yung mga nakakita na nito ay yaong mga minsang nakabisita sa kabundukang malapit o di kaya ay minsan ng tumira ‘roon. Kahit dito sa Davao Oriental […]

Prof. Kim Gargar

May silbi ba ang mga numero?

June 24, 2013

Marami sa Pilipino ang takot sa matematika, takot sa numero, takot sa kalkulasyon. Pero may silbi nga ba ang mga bilang? Ang sagot dito ay isang malaking “OO”, ngunit hindi natin ito sasagutin sa antas kumprehensibo. Tingnan lang muna natin ang isang sanga ng matematika na tinatawag sa Ingles na number theory o ang pag-aaral […]

Prof. Kim Gargar

Passé na nga ba ang national industrialization?

May 5, 2013

Kamakailan, isang opisyal ng gobyerno ang nagsabi na passé na raw ang “national industrialization.” Sabi ni Edwin Lacierda, opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Aquino, na ang salitang “national industrialization” ay bahagi raw ng jargon noong 1960s at hindi na raw ito applicable sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa. Sa pagkabasa ko sa balitang ito, andami […]