Guilty beyond reasonable doubt

January 27, 2020

Ito ang pagsangguni sa Saligang Batas at ang plataporma na hindi na kailanman nasilayan ng mga tinawag ni Duterte na kolateral damage sa giyera kontra droga, baliktad sa pinangako niyang pagprotekta sa last, least, at lost.

Yuyukod muli sa mga militarista?

January 23, 2020

Nais ng mga heneral na ipagpatuloy ang kampanya ng panunupil, hindi pa sa armadong kilusan na hindi nila makita dahil sa taktikang gerilya nito, kundi sa mga sibilyang organisasyong masa na nagtataguyod lang ng karapatan ng mga mamamayan, kabilang ang karapatan ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang aping sektor.

‘Ibagsak ang mga oligarko!’

January 8, 2020

Sa ganitong mga linya isinisiksik ni Duterte ang motibo sa likod ng pambabrasosa mga kompanya at negosyong nais niyang hawiin para magbigay-daan sa pagpasok ng mga negosyanteng “tumulong” sa kanyang 2016 kampanya sa pagkapresidente. Kumbaga’y pabuya sa kanilang “donasyon” noong eleksiyon.

Suntok-hangin sa oligarkiya

December 11, 2019

Sa taktika na ito, nagmumukhang matapang si Duterte kahit kaharap niya ang naglalakihang mga oligarkiya tulad ng mga Ayala at mga Lopez. Kapuna-puna nga lang na hindi naman pinupuntirya ng pangulo ang mismong pribatisasyon ng tubig.

Hustisyang may-kiling sa mga naghahari

December 3, 2019

Kalakaran sa ilalim ni Duterte ang kawalan ng pananagutan, pagabsuwelto – pagbasura ng kaso o pagpapalaya – at pagbibigay ng ispesyal na trato sa mga mandarambong at iba pang mga kriminal mula sa hanay mga mayayaman at maimpluwensiya.

Ipinangalandakang kainutilan

December 1, 2019

Ganoon pa man, iba talaga ang alingasaw nitong SEA Games. Matagal-tagal ang talab sa kamalayan ng imahen ng mga atletang kikyam at itlog ang inaalmusal at sahig o upuan ang tinutulugan.

Kabigin pabor sa bayan

November 25, 2019

Matapang at prinsipyado ang posisyon ni Sotto. Kahanga-hanga at dapat suportahan ang kanyang pagtindig sa mga paglaban ng mga manggagawa, lalo pa’t hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito.

Pasismo sa ngalan ng neoliberalismo

November 15, 2019

Alam ng rehimen na kakaharapin nito ang paglaban ng mamamayan. Ramdam nito ang lumalakas na oposisyon sa diktadurya, paglaban sa pekeng giyera kontra-droga, paglaban sa mga hungkag na mga proytektong imprastratura tulad ng Kaliwa at Chico Dam, paglaban sa Rice Liberalization Law at marami pang ibang kainutilan ng gobyerno.

Inililibing sa guho

November 6, 2019

Kumalat agad ang mga balita ng desperasyon at pagkagutom ng mga maralitang magsasaka at residente sa mga baryo na wala nang tahanan. Nakakagimbal at nakakagalit ang mga larawan ng mga taong may hawak na plakard, nagmamakaawa na maayudahan ng pagkain
at tubig.

Star player ng droga sa pulisya?

October 18, 2019

Para kay Albayalde, sapat na ang paggamit ng terminal leave para umiwas sa hagupit ng isyu ng “ninja cops” at makakubra pa rin ng benepisyong milyon piso sa pagreretiro.