Videos

Bidyo: Unang Mayo Uno

Naaalala mo pa ba ang una mong rali? Samahan si Jessico Tolosa, isang manggagawa ng Pentagon Workers’ Union, sa kanyang unang Mayo Uno sa kalsada. Panoorin ang pagkilos ng libu-libong manggagawa sa dakilang Araw ng Paggawa, sa mata ng isang baguhan sa pakikibaka ngunit beterano sa hirap at pagsasamantala.

Bidyo: Sa Araw ng Kordilyera

Ang makulay na selebrasyon ng Araw ng Kordilyera sa isang bulubunduking pamayanan ng mga katutubo sa Kalinga, na sama-samang humaharap sa banta ng pagpasok ng geothermal plant ng Chevron Corporation.

Bidyo: Mural ni Ka Roger iniladlad sa Mendiola, sa paggunita ng ika-43 anibersaryo ng NPA

Isang raling iglap sa Mendiola ang isinagawa ng mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan (PKM-TK) kaninang umaga bilang paggunita sa ika-43 na anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Iniladlad ng mga demonstrador ang isang higanteng mural ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, ang pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines. Tumagal […]

Bidyo: Paghihirap ng kababaihan sa Montalban

Mula sa iba't ibang dinemolis na komunidad sa Metro Manila, nagsisikap ang kababaihan sa relokasyon sa Montalban, Rizal na buhayin ang kani-kanilang pamilya. Tila napakahirap nito sa pabahay ng gobyerno na malayo sa hanapbuhay, walang akses sa batayang mga serbisyo, substandard, at wala pa ring kaseguruhan na mapapasakanila.