Photo Story

Mga Larawan: Tatlong maralitang komunidad sa Quezon City

Maralita ang mayorya sa daan-daan libong nabiktima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 26. Sila iyong mga nakatira sa mga barung-barong sa mga laylayan ng lungsod, sa mga tabing-ilog at mabababang lugar. Ito ang mga larawan ng tatlong maralitang komunidad sa Quezon City na nasalanta ni Ondoy, pero lumalaban.

Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silangan

Libing na pangmaramihan ang nagaganap ngayon sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silangan sa Batasan, Quezon City. Dito masisilip ang mukha ng trahedya ng pananalasa ng bagyong Ondoy at kapabayaan diumano ng gobyerno.

Photo Story | Pagbabalik ng Manobo sa Lianga

Agosto 29 ang huling araw ng mga Manobo sa evacuation center sa Tandag, Surigao del Sur. Kumpirmadong napalikas na ang mga militar (sa ngayon, banta pa nila) na nanirahan sa kanilang mga tahanan sa Lianga. Natuwa ang mahigit 1,700 bakwit na Manobo. Iniligpit na ang kanilang mga gamit. Nagluto na ng mababaon. Maaga silang natulog. Handa na silang umuwi.

Hacienda Luisita ngayon

May kakaibang nangyayari sa Hacienda Luisita ngayon. 60 porisyento ng lupaing dating kaharian ng mga Cojuangco sa Tarlac na pinagtatamnan dati ng tubo ang ngayo’y inangkin na ng mga magsasaka. Tinatamnan na nila ng palay at iba pang pananim na pakikinabangan nila. Ito kaya ang dahilan kung bakit itinutulak na tumakbo si Noynoy Aquino sa […]

Mga Larawan: Burol at misa para kay Cory Aquino

Bumisita ang Pinoy Weekly noong Agosto 2, 2009 sa burol ng dating pangulong Cory Aquino sa De La Salle-Greenhills. Sa kanto pa lamang ng Edsa at Ortigas Avenue, may pila na (at nakaikot pa) ang mga mamamayang gustong maaninag ang labi ni Aquino. Sa pagsapit ng gabi, lalong dumami ang mga nasa pila. Ang loob […]

Photo Essay: Mata sa mata ang hangad na hustisya

Nagkaharap sila. Hangad ng isang panig, patindihin pa ang pagsupil sa pinagbibintangang mga rebelde’t kaaway ng estado. Hangad ng kabilang panig, hustisya. Hustisyang mata sa mata.