Opisyal ng embahada sa Kuwait pinaiimbestigahan ng Migrante

May 18, 2009

Hiniling ng Migrante-Middle East kay DoLE (Department of Labor and Employment) Secretary Marianito Roque na imbestigahan ang isang opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa kawalan ng aksiyon nito sa reklamo ng 39 na OFW (overseas Filipino workers) laban sa kanilang employer. Ayon kay John Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-ME, hindi umaksiyon si Labor […]

Labi ng OFW na inilibing nang buhay, pinauuwi

May 15, 2009

Nagdaos ng kilos-protesta ang Migrante International sa harap ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Noong Mayo 14 para kondenahin ang kawalang-aksiyon ni Undersecretary Esteban Conejos sa kaso ni Emy Pepito, isang OFW na aksidente sa trabaho. Ayon sa grupo, nailibing nang buhay sa buhangin na may halong kumukulong aspalto ang OFW habang may […]

Sa paghingi ng tulong ng DFA sa Migrante, Conejos tinawag na ‘ipokrito’

May 15, 2009

Tinawag na ipokrito ng Migrante International si DFA (Department of Foreign Affairs) Undersecretary Esteban Conejos Jr. sa panawagan nitong pakikipagtulungan sa grupo kaugnay ng mga kaso ng mga OFW (overseas Filipino workers). Ayon sa grupo, hungkag ang panawagan ni Conejos, hindi tapat at layunin lamang makakuha ng “pogi points”. Ipinahayag ng Migrante na mula nang […]

OAV registration dapat palawigin – Migrante

May 13, 2009

Nanawagan ang Migrante International, ang pinakamalawak na alyansa ng mga OFW (overseas Filipino workers) sa buong mundo, sa Comelec (Commission on Elections) na palawigin ng huli ang pagpaparehistro ng OAV (overseas absentee voters) dahil kaunti pa lamang ang nakapagparehistro. Ito’y matapos inanunsiyo ng Comelec kamakailan na inaprubahan na nito ang rehistrasyon ng 4,751 OAV. Pero […]

OFW sa Dubai, ginahasa na, ikinulong pa

May 12, 2009

Nag-ingay ang mga grupo ng migrante at mambabatas sa Pilipinas sa pagkakakulong sa babaing Overseas Filipino Worker (OFW) matapos magahasa ng anak ng kanyang amo sa Dubai, United Arab Emirates. Binatikos din ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan ang administrasyong sa matagal nitong pagtugon sa kasong ito ni Wilma (di niya totoong pangalan). “Dapat nang itigil […]

30 pang OFW tumakas mula employer sa Libya

April 27, 2009

Tatlumpu pang OFW (overseas Filipino workers) ang tumakas mula sa kanilang mga employer sa Libya dahil sa di-maayos na kalagayan sa paggawa at pamimilit sa kanila na pumirma ng bagong kontrata. Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, tatlong OFW na kabilang sa mga tumakas mula sa CIFEX World Inc. ang naghatid […]

GMA nanloloko ng Pinoy para magtrabaho sa abroad – GWP

April 14, 2009

NILOLOKO ni Pangulong Arroyo ang mga Pilipino sa patuloy nitong panghihikayat na magtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng di-katanggap-tanggap na kalagayan ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa Dubai, ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. Sinabi ni Ilagan na walang trabaho at namumulot na lamang ng basura para mabuhay ang mga OFW sa Dubai. […]

Bugok na itlog, regalo ng migrante sa kaarawan ni GMA

April 5, 2009

BUGOK na itlog ang regalo ng mga migrante kay Pangulong Arroyo sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-62 noong Abril 5. Ayon sa Migrante International, ito’y simbolo ng pagkadisgusto nila sa ‘labor export policy’ ng pangulo. “Walang presidente na naging mas determinadong ibenta ang mga migranteng manggagawa bilang murang kalakal kaysa kay Arroyo,” sabi ni Gina […]