Nagtungo ang mga kaanak ng mga biktima ng trahedya isang taon matapos masawi ang 11 manggagawang nagtatrabaho sa konstruksiyon ng gusali ng Eton Properties. Hangad pa rin nila ang hustisya. (Kontribusyon)

Isang taon matapos ang trahedya: Hustisya, hangad ng kaanak ng mga biktima sa Eton

January 29, 2012

Nagmartsa patungo sa lugar ng aksidente sa Makati City ang mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng aksidente sa konstruksiyon ng Eton Residences noong Enero 27. Ginunita nila ang ang aksidente na ikinamatay ng 11 manggagawa matapos bumigay at bumulusok ang gondolang kanilang sinasakyan. Ipinanawagan nila ang hustisya at hiniling na managot ang manedsment […]

‘Ulat ng ILO, patunay sa abang lagay ng empleyo sa PH’

January 25, 2012

Patunay ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na “napakasama” ang kalagayan ng empleyo sa bansa. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Pilipinas, matapos maglabas ang ILO ng ulat na “Global Employment Trends 2012: Preventing a deeper jobs crisis.” Sa ulat na ito, sinabi ng ILO na nahaharap ang buong mundo sa hamon na makalikha ng 600 milyong empleyo sa susunod na dekada.

Banat na buto, kapos na sahod

November 30, 2011

Sumasahod ng minimum wage sina Alfonso at Jason, at iba pang manggagawa ng isang pagawaan ng bakal. Pero malayung malayo ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE), kanilang kinondena ang pahayag ni Sek. Rosalinda Baldoz na hindi pa panahon upang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa KMU, muli silang magmamartsa sa Nobyembre 30 (Araw ni Bonifacio) upang igiit ang panawagang dagdag sahod at laban sa malawakang kontraktuwalisasyon. (Macky Macaspac)

Larawan: Pagkontra ng DOLE sa makabuluhang dagdag-sahod kinondena

November 21, 2011

Nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kanilang kinondena ang pahayag ni Sek. Rosalinda Baldoz na hindi pa panahon upang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa KMU, muli silang magmamartsa sa Nobyembre 30 (Araw ni Bonifacio) upang igiit ang panawagang dagdag sahod at laban sa malawakang kontraktuwalisasyon. (Macky Macaspac)