Libu-libong obrero magpoprotesta sa Mayo Uno

April 28, 2012

Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang aabot sa 30,000 manggagawang lalahok sa pagdiriwang at protesta sa Pandagidigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno sa Metro Manila at aabot sa 100,000 naman sa ibang panig ng buong bansa

Baliktad na mundo sa industriyang BPO

March 29, 2012

Sagot ng administrasyong Aquino sa kakulangan ng trabaho sa bansa ang call centers o industriya ng Business Process Outsourcing. Pero lumalabas sa mga pag-aaral na limitado lamang ang naeempleyo nito. At iyung naeempleyo, labis na napagsasamantalahan.

Legislated P125 across-the-board na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor ang hiling ng Kilusang Mayo Uno. (KR Guda/PW File Photo)

PNoy binanatan ng KMU sa pagtanggi sa P125 dagdag-sahod

March 25, 2012

Manhid si Pang. Benigno Aquino III sa kalagayan ng mga manggagawa at mahihirap na taumbayan sa tahasang pagtanggi sa hiling na P125 dagdag-sahod.

Ito ang pahayag ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU), matapos ihayag ng Malakanyang ang pagtutol nito sa panukalang dagdag-sahod ng mga manggagawa.

Iniladlad ng mga manggagawa ang malaking istrimer sa harapan ng gusali ng PUP bilang hudyat ng kanilang welga. (Macky Macaspac)

Obrerong kontraktuwal ng PUP nagwelga

March 6, 2012

Nagwelga ang mahigit 100 manggagawa ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa hindi pagkilala ng administrasyon ng pamantasan sa kasunduang muling kunin ang silang mga dyanitor sa pagpasok ng bagong ahensiya.

Nagtungo ang mga kaanak ng mga biktima ng trahedya isang taon matapos masawi ang 11 manggagawang nagtatrabaho sa konstruksiyon ng gusali ng Eton Properties. Hangad pa rin nila ang hustisya. (Kontribusyon)

Isang taon matapos ang trahedya: Hustisya, hangad ng kaanak ng mga biktima sa Eton

January 29, 2012

Nagmartsa patungo sa lugar ng aksidente sa Makati City ang mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng aksidente sa konstruksiyon ng Eton Residences noong Enero 27. Ginunita nila ang ang aksidente na ikinamatay ng 11 manggagawa matapos bumigay at bumulusok ang gondolang kanilang sinasakyan. Ipinanawagan nila ang hustisya at hiniling na managot ang manedsment […]

‘Ulat ng ILO, patunay sa abang lagay ng empleyo sa PH’

January 25, 2012

Patunay ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na “napakasama” ang kalagayan ng empleyo sa bansa. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Pilipinas, matapos maglabas ang ILO ng ulat na “Global Employment Trends 2012: Preventing a deeper jobs crisis.” Sa ulat na ito, sinabi ng ILO na nahaharap ang buong mundo sa hamon na makalikha ng 600 milyong empleyo sa susunod na dekada.