Martsa ng mga kawani sa gobyerno sa ilalim ng Courage, patungong Mendiola noong Hulyo 12. (Pher Pasion)

P6,000 muling iginiit sa Malakanyang ng mga kawani ng gobyerno

July 13, 2012

Binatikos ng mga kawani ng gobyerno ang umano’y patuloy na pagpapabaya ng administrasyong Aquino sa kanilang panawagang makabuluhang umento na P6,000. Sa piket sa Mendiola, Manila sa harap ng Malakanayang na pinangunahan ng Wage Fight, alyansa ng mga manggagawa sa gobyerno sa pangunguna ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, […]

Simbolikong sinunog ng mga manggagawa ang panukalang 2 tiered wage system ng Department of Labor and Employment, sa isang piket. Tinutulan ng Kilusang Mayo Uno ang panukala dahil mas lalong bababa ang sahod ng mga manggagawa. (Macky Macaspac)

Bagong sistema ng pasahod tinututulan ng mga manggagawa

July 10, 2012

“Sa halip na ibigay ang matagal nang hiling ng mga manggagawa para sa makabuluhang dagdag sahod, pinapaliit at pinapanatiling mababa ni Pangulong Aquino ang sahod ng mga manggagawa.” Ito ang sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU),  sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa piket ng grupo […]

Sinugod ng mga elemento ng PNP-Paranaque ang nagwewelgang mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware matapos maglabas ng temporary restraining order ang korte kontra sa naturang welga. Di makatarungan ang paghadlang ng korte sa karapatang magwelga ng mga manggagawa, ayon sa KMU. (Kontribusyon)

TRO vs welga ng obrero sa Co Ban Kiat, kinondena ng KMU

June 13, 2012

Kinondena ng Kilusang Mayo Uno ( KMU) ang Temporary Restraining Order na ipinalabas ni Judge Rolando G. How ng Parañaque Regional Trial Court Branch 257 kontra sa welga ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware, Inc. Ayon sa korte, nakakaapekto ang welga sa tatlong iba pang negosyo sa compound kung nasaan ang hardware. Ngunit […]

Piket ng mga manggagawa at mula sa iba pang sektor sa pangunguna ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM sa Senado noong Hunyo 5. (Kontribusyon)

‘Senado, kumilos na sa panukalang dagdag-sahod’

June 7, 2012

Hinikayat ng grupo ng mga manggagawa at mamamayan ang Senado na harapin ang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod at iba pang usaping “may kabuluhan sa mga mamamayan” ngayong tapos na ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona. Ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), sa loob kasi ng apat na buwan, tila tanging impeachment […]

Pagkatapos ng impeachment: Iba’t ibang grupo nanawagan ng paghatol kay Gloria, pamamahagi ng Luisita sa magsasaka

May 30, 2012

Tapos na ang impeachment trial laban kay Chief Justice Corona, ngunit para sa mga militanteng grupo dapat na isunod agad ang paglitis paghatol at pagkulong kay GMA dahil siya naman daw ang puno’t-dulo ng isinagawang paglilitis. Hindi na rin daw dapat magpalusot si Pangulong Aquino, upang umiwas sa pagtugon sa hinaing ng mamamayan para sa kagyat na ginhawa mula sa kahirapan.

Muling pagwelga ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat, dalawang linggo matapos ang unang matagumpay na welga. (Kontribusyon)

Mga obrero ng malaking hardware, muling nagwelga

May 24, 2012

Muling itinirik ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware ang kanilang welga noong Mayo 23, dalawang linggo matapos maipagwagi ang naunang dalawang araw na welga. Inakusahan ng Co Ban Kiat Workers Union ang manedsment ng paglabag sa kanilang kasunduan na maibalik ang tinanggal na mga manggagawa, iregularisa ang mga kontraktuwal at kilalanin ang kanilang […]

‘Dahil sa ‘kakarampot’ na COLA: wage board buwagin na’

May 23, 2012

“Katiting na nga, tiningi pa.” Ito ang sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalhim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa harapan ng tanggapan ng Regional Wage and Productivity Commission sa National Capital Region. Reaksiyon niya ito sa P30 na dagdag Cost of Living Allowance (COLA) na iginawad ng naturang tanggapan sa halip na magbigay ng makabuluhang […]

Bidyo: Unang Mayo Uno

May 10, 2012

Naaalala mo pa ba ang una mong rali? Samahan si Jessico Tolosa, isang manggagawa ng Pentagon Workers’ Union, sa kanyang unang Mayo Uno sa kalsada. Panoorin ang pagkilos ng libu-libong manggagawa sa dakilang Araw ng Paggawa, sa mata ng isang baguhan sa pakikibaka ngunit beterano sa hirap at pagsasamantala.

Libu-libong obrero magpoprotesta sa Mayo Uno

April 28, 2012

Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang aabot sa 30,000 manggagawang lalahok sa pagdiriwang at protesta sa Pandagidigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno sa Metro Manila at aabot sa 100,000 naman sa ibang panig ng buong bansa