Nanalong tagapangulo ng student council sa UPLB, di pa rin naipoproklama

March 12, 2012

Mahigit isang linggo makaraan ang halalan ng konseho ng mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), hindi pa rin ipinoproklama ng Central Electoral Board (CEB) ang nanalong tagapangulo ng student council dahil sa umano’y di-pagbayad ng kanyang matrikula sa takdang panahon. Ayon sa partidong Sakbayan, maanomalya ang di pagproklama sa nanalong kandidato na si Ynik Ante […]

K+12: Dagdag aralin, dagdag pasanin

March 4, 2012

Namomroblema ang mga magulang sa taas-presyo ng mga bilihin habang mababa ang suweldo. Sa susunod na pasukan, poproblemahin pa nila ang dagdag na taong kailangang pag-aralin ang mga anak

Mas matinding protesta vs krisis sa edukasyon, inaasahan

February 28, 2012

Palala nang palala ang krisis sa edukasyon, ayon sa militanteng mga grupo ng kabataan: papataas na mga matrikula at mga bayarin, pagkaltas muli sa badyet ng sektor ng edukasyon, at kainutilan diumano ng administrasyong Aquino sa harap ng mga ito. Kung kaya muling tutungo ng lansangan ang kabataan, para iprotesta ang tumitinding krisis na ito.

Tumitinding atake sa kabataang aktibista

February 28, 2012

Hinala ng militanteng mga grupong kabataan, hindi hiwalay sa programang kontra-insurhensiya ng militar na Oplan Bayanihan ang mga atake sa mga aktibista tulad sa “Porac 3”, Ekis Gimenez at Lordei Hina, gayundin ang panghaharas at pinaghihinalaang tangkang pagdukot sa mga mamamahayag pangkampus sa Samar nitong Peb. 26.

Larawan: Kabataang Makabayan, muling nanawagan sa kabataan na lumahok sa rebolusyon

December 1, 2011

Maliban sa pagiging kaarawan ni Andres Bonifacio, makasaysayan din ang Nob. 30 dahil sa araw na ito, noong 1964, itinatag ang Kabataang Makabayan (KM), isang komprehensibong organisasyon ng mga kabataan na nagsusulong ng “pambansa demokratikong rebolusyon” sa Pilipinas. Pinangunahan ang KM ni Jose Maria Sison at iba pang kabataang aktibista noong maagang bahagi ng dekada […]