Pagkakaisa kontra sa tusong rehimen

June 8, 2009

Pagpasa sa ekstensiyon ng CARP. Pagsaisantabi sa Right of Reply Bill at Reproductive Health Bill. Pagkabiyak ng oposisyon sa Senado at pagbalik ni Mancao. Pagbalik sa usapang pangkapayapaan. Pananakot ng A(H1N1) virus. Mga hakbang na kaya ito para pahupain ang oposisyon na kumokontra sa pagpahaba ng termino ni Pangulong Arroyo?

Con-ass: Hindi tinatanggap ng taumbayan

June 4, 2009

Mabilis ang tugon ng taumbayang simula’t sapul ay tumututol na sa Charter Change. Noong Hunyo 3 ng umaga mismo, sa kabila ng mala-Armageddon na pagbuhos ng ulan at paghagupit ng malakas na hangin sa Kamaynilaan (tila pati ang kalangitan, galit sa “katrayduran”), samu’t saring pakete ng protesta ang sumiklab sa Mendiola at Batasan Pambansa. Kinabukasan, sa protesta ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa, bumuhos din ang galit laban sa Con-ass ni Arroyo.

Tatlong bagong progresibo sa Kongreso

May 7, 2009

Better late than never. Pinaghihinayangan man daw na hindi sila agad na nakaupo matapos magwagi sa halalang party-list noong 2007, ikinatuwa pa rin ng libu-libong mga tagasuporta nila na madeklara sina Neri Colmenares, Raymond Palatino at Joel Maglunsod bilang bagong kinatawan sa Kongreso.

Kalbaryo ng maralita, muling pagkabuhay ng maralita

April 8, 2009

“Bagong Hesus” ang mga maralitang lungsod: pasan-pasan ang bigat ng krisis; tinutugis ng mababangis na mapagsamantala; pinaghuhugasan ng kamay ng makapangyarihan; at ipinapako sa krus ng karalitaan. Pero handa na sila sa muling pagkabuhay.