Trahedya ng nakararami

March 16, 2013

Nakakadurog ng puso ang istorya ni Lorena (di tunay na ngalan): 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at walang-trabahong ina. Matalino, puno ng pag-asa.

Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain, iba pang gastusin. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Lorena at napuwersa na siyang mag-leave of absence

SONA ni PNoy: Pagbabago para kanino?

July 24, 2011

Mahigit isang taon na sa pagkapangulo si Benigno “Noynoy” Aquino III. Pangalawang State of the Nation Address na rin niya sa Lunes, Hulyo 25. Kumusta na ang mga isyu ng mga mamamayang dapat niyang tinutugunan?

Sigalot sa Spratlys: Pilipinas, proxy ng US kontra China

June 22, 2011

Sinasabi ng administrasyong Aquino na pinangangambahan nito ang presensiya ng mga sasakayan ng China sa Spratlys. Pero tila nakakasangkapan lamang ito sa pagtutulak ng US na panatilihin at palakasin ang mga negosyo nito sa Pilipinas at Timog Silangang Asya, at kontrolin ang lumalakas na impluwensiya ng China sa rehiyon.

Araw ng ‘Huwad na Kalayaan’?

June 13, 2011

Ito ang uri ng “kalayaan” na ipinagdiwang noong Linggo: Ang kalayaang ipagdiwang ang pamamayani ng interes ng dayuhang bansa. Ang kalayaang ipagdiwang ang panlilinlang.

Walang kamatayang undas

November 2, 2010

Hindi pagluluksa kundi mistulang pagdiriwang ang Undas para sa maraming Pinoy. Pinagkakagastusan, pinagkakaabalahan, pinagkakapaguran. Pero, sa mga sementeryo, nahahati pa rin ang mga tao sa iilang mayayaman karamihang mahihirap.

Kober ng Time Magazine na lumabas sa Asya, 25 Enero 2007

Paano Babasahin ng Time ang NPA?

March 27, 2007

Walang iniwan sa isang magilas na kuwentong tigib ng pakikipagsapalaran. Kuntodo detalye pa ng kasal ng magkarelasyong rebelde at ng kamangha-manghang buhay-mag-asawa ng isa pang pares ng rebelde. Ang artikulong ukol sa NPA (New People’s Army) ay makatawag-pansin, palibhasa’y cover story ng magasing internasyunal na Time. May ibig ba itong sabihin? Noong unang bahagi ng […]