Teo S. Marasigan

Teo S. Marasigan

Si Teo S. Marasigan ay isang kolumnista na tumatalakay sa progesibong pulitika at popular na kultura.

Berdugo ng Nang

“Go lang ng go,” sabi ng patalastas ng Globe na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Sarah Geronimo. “Magbayad ng maaga ng di maabala,” sabi ng mga sticker sa dyip ng kung anu-anong produkto. “Pulis, binoga ng manghuling namboso,” sabi ng balita – na imbento ko lang naman, pero maraming ganyan sa midya.

Icky Bello

Kunwari, ang pambansa-demokratikong Kaliwa, hindi ang Akbayan, ang siyang alyado ni Pang. Noynoy Aquino. Kung katotohanan ang mga kunwaring iyan, posible kayang isinulat ng isang lider ng pambansa-demokratikong Kaliwa ang “Open Letter of Akbayan Rep. Walden Bello to Pres. Benigno Simeon Aquino III on the Country's Economic Woes” na isinulat, syempre pa, ni Walden Bello, aktibista at intelektwal na nagpapakilalang kontra-neoliberal at minsa'y sosyalista pa nga?

Hallowed Binay Name

Napakagarapal ng mga maniobra ng pangkatin ni Noynoy Aquino laban kay Jojo Binay. Tinitiyak na hindi siya magiging makapangyarihan at magiging popular. Ang masahol ay isinusubo siya sa mga isyung posibleng makabawas sa popularidad niya.

Ka Dante

Hindi pa siya aktibista noon. Unang mga araw ng unang semestre ng unang taon sa kolehiyo. Pumasok ang propesor, bumati at nagpakilalang magiging guro sa Kasaysayan 1. Isinulat nito sa pisara ang pangalan: “Dante L. Ambrosio.” Ngayon, sa harap ng balitang namatay ang guro, nabibigyan niya ng karampatang halaga ang mga sumunod na araw mula sa pagpapakilalang iyun.

Dahil Sa K?

Sa ngayon, alam na ng marami ang nangyari kay Dominique Strauss-Kahn o DSK, hepe ng International Monetary Fund: inaresto, ikinulong at hindi pinayagang magpyansa dahil inakusahang nanggahasa ng manggagawa sa mamahaling otel na tinulugan niya. Halos kalahati ng edad niya ang biktima, na dinamba at dinakma na lang niya noong pumasok sa kwarto niya para maglinis. Ang epekto: nawasak ang mabangong pangalan niya at ang magandang tsansa niyang maging sunod na pangulo lang naman ng France.

Dominanteng Diskurso sa RH Bill

(1) Sa ngayon, dalawang panig ang dominante sa tunggalian hinggil sa kontrobersyal na Reproductive Health o RH Bill: ang rehimeng Aquino, tampok ang Akbayan at mga kaugnay na grupo, at ang Simbahang Katoliko. Para sa mga katulad kong sumusuporta sa RH Bill, masamang balita na ganito nagkahugis ang pampublikong talakayan sa isyu.

Katoliko Sarado

Sa interbyu niya sa Buhay Manggagawa tungkol sa kasaysayan ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Mandy Felicia, training director ng Ibon Foundation, na pulitikal ang pagdiriwang ng naturang okasyon sa mismong petsang Mayo Uno.

Noynoy Halos Isang Taon Pagkatapos

Mula nang pumasok ang taon, sunud-sunod ang indikasyong tumitindi ang kahirapan ng mga mamamayang Pilipino. Nariyan ang balitang lumaganap ang kawalang-trabaho. Sumunod ang balitang dumami ang nakakaranas ng kagutuman at kahirapan. Sunud-sunod na nagtaasan ang presyo ng mga produktong petrolyo at batayang bilihin. Mas grabe ang pagtataasang ito kumpara sa taun-taong ritwal ng mga presyo sa simula ng taon. Kaya naman ang sahod ng mga manggagawa, nabawasan nang matindi ang tunay na halaga: P7.00 raw, ayon sa isang pag-aaral, sa maiksing panahon sa pwesto ni Noynoy Aquino. Nabawi ang P5.00 itinaas sa tunay na sahod sa ilalim ni Gloria Arroyo.

Jan-jan, Dito-dito

Walang pagtatalo: Kahirapan ang pangunahing usapin sa eskandalong kinakasangkutan ngayon ni Willie Revillame at ng batang si Jan-jan. Kahirapan ang nagtulak sa batang si Jan-jan at sa kanyang mga kaanak na pumunta sa palabas na Willing-Willie at ihain ang pamoso na ngayong sayaw ng bata. Kahirapan ang sinasamantala ng palabas ni Willie: pinapapunta ang mahihirap, pinagkukwento ng kahirapan, ginagantimpalaan at minsan ay pinagkakatuwaan din ang kahirapan.