Avatar

Soliman A. Santos

Soliman Santos took up Malikhaing Pagsulat at University of the Philippines-Diliman. He is currently teaching at Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa.

Insidente sa Tubbataha, ipinapakita kung bakit VFA dapat ibasura

Nagpapatuloy sa pagwasak sa pambansang yaman ng Pilipinas sa Tubbataha Reef ang barkong pandigma ng US . Dahil dito, at sa iba pang dahilan, dapat agarang repasuhin ng gobyerno ang RP-US Visiting Forces Agreement (VFA), ayon sa mga grupong makabayan at makakalikasan. “Walang malinaw na paliwanag ang mga opisyal ng US sa kung bakit nag-trespass […]

Pagtapon ng kontraktor ng US ng nakalalasong kemikal, nagpapakita ng panganib ng VFA

Ipinakikita lamang ng sikretong pagtapon — na kalauna’y naibunyag sa publiko — ng nakalalasong kemikal sa Subic Bay, Zambales ang panganib sa Pilipinas ng presensiya ng armadong puwersa ng Amerika sa ilalim ng US-PH Visiting Forces Agreement. Ito ang sinabi ng mga militanteng grupo na nagpiket sa harap ng embahada ng US noong Nobyembre 14. […]

Mangingisda, makakalikasan nanawagan ng moratoryo sa reklamasyon

Nanawagan ang mga mangingisda, makakalikasan at mga eksperto mula sa 50 organisasyon sa buong bansa na itigil ang lahat ng proyektong reklamasyon sa ilalim ng National Reclamation Plan (NRP). Napagkaisahan ng mga grupo ang panawagan sa pamamagitan ng People’s Summit on the Impacts of Reclamation na ginanap sa Quezon City kamakailan.  Napagkasunduan din ng mga […]

Philex dapat magbayad sa lahat ng perwisyo- Kalikasan

Nakikiisa ang Kalikasan-People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE) sa iba’t ibang grupo sa panawagang panagutin ang Philex Mining Corporation sa anila’y “pinakamalalang sakuna sa pagmimina sa nakaraang dalawang dekada. ” “Nanawagan kami sa Philex na bayaran ang lahat ng nagawa nilang sakunang pangkalikasan at panlipunan,” ayon kay Clemente Bautista, tagapag-ugnay ng Kalikasan. Lumabas sa isinagawang […]

Pagpaslang sa menor-de-edad sa demolisyon sa Tarlac, kinondena

Mariing kinondena ng Anakpawis Partylist-Gitnang Luson, Karapatan-Tarlac at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang pagkakapaslang sa isang 15 taong gulang na bata sa marahas na demolisyon sa maralitang komunidad sa Brgy. San Roque, Tarlac City, noong Oktubre 2. Ang biktimang si John Cali Lagrimas, mula sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod, ay napatay habang nagaganap […]

Sereno, dapat bantayan ng mamamayan – Bayan

Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa publiko na maging mapagbantay kaugnay ng pagkakatalaga kay Justice Ma. Lourdes Sereno bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema. Sinabi ng grupo na hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagiging malapit ni Sereno sa administrasyong Aquino. Bagamat lumikha ng kasaysayan si Sereno bilang unang babaeng punong mahistrado, may mga kuwestiyon […]

Atake sa karapatan ng katutubo binatikos

Nagmartsa ang mga katutubong mamamayan mula sa iba’t ibang tribu at komunidad patungo sa Mendiola noong Agosto 22 para batikusin ang mga atake sa kanilang buhay at karapatan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III. Sinabi ni Piya Macliing Malayao, tagapagsalita ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), walang kapantay na […]

Kagyat na aksiyon vs paninira ng kalikasan para maibsan baha, iminungkahi ng Kalikasan

Naaalarma ang Kalikasan Party-list sa tila kakulangan ng aksiyon ng administrasyong Aquino para maibsan ang malupit na epekto ng baha sa Kamaynilaan at iba pang probinsiya. Ayon kay Clemente Bautista, pangulo ng Kalikasan, tila hindi sapat ang ginagawa ng administrasyon, lalo kung isasaalang-alang ang pangmatagalang epekto ng baha. Wala ring pangmatagalang plano para mabawasan ang […]

Panlilinlang sa bagong kautusan sa pagmimina

Hindi magagamot ng kautusang inilabas ng administrasyong Aquino ang sakit ng Mining Act of 1995. Ito ang reaksiyon ng mga grupong makakalikasan matapos ilabas ng Palasyo ang kautusan sa pagmimina na pinirmahan ni Pang. Benigno Aquino III noong Lunes, Hulyo 8

Pagpaslang sa Dutch national kinondena ng magsasaka, makakalikasan

Mariing kinondena ng mga magsasaka, grupong makakalikasan at iba pang grupo ang pagkakapaslang sa isang misyonerong Dutch national na sumusuporta sa kanilang mga ipinaglalaban. Ang biktimang si Willem Geertman, 67 taong gulang at executive director ng Alay Bayan Inc. (ABI), ay binaril at napatay ng dalawang di-nakilalang lalaki sa harapan ng kanyang tanggapan sa Brgy. […]