30 pang OFW tumakas mula employer sa Libya

April 27, 2009

Tatlumpu pang OFW (overseas Filipino workers) ang tumakas mula sa kanilang mga employer sa Libya dahil sa di-maayos na kalagayan sa paggawa at pamimilit sa kanila na pumirma ng bagong kontrata. Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, tatlong OFW na kabilang sa mga tumakas mula sa CIFEX World Inc. ang naghatid […]

Pinauwing OFW sa Libya, pinabayaan ng embahada?

April 16, 2009

Nalinlang ng kompanyang Libyan ang mga Pinoy na manggagawa nito. Kunyari ililipat lang sila sa trabaho, pero pinauwi pala sila sa Pinas nang labag sa kontrata. Sa kabila nito, kumampi pa ang mga opisyal ng embahada ng bansa sa abusadong Libyan employer.

GMA nanloloko ng Pinoy para magtrabaho sa abroad – GWP

April 14, 2009

NILOLOKO ni Pangulong Arroyo ang mga Pilipino sa patuloy nitong panghihikayat na magtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng di-katanggap-tanggap na kalagayan ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa Dubai, ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. Sinabi ni Ilagan na walang trabaho at namumulot na lamang ng basura para mabuhay ang mga OFW sa Dubai. […]

Bugok na itlog, regalo ng migrante sa kaarawan ni GMA

April 5, 2009

BUGOK na itlog ang regalo ng mga migrante kay Pangulong Arroyo sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-62 noong Abril 5. Ayon sa Migrante International, ito’y simbolo ng pagkadisgusto nila sa ‘labor export policy’ ng pangulo. “Walang presidente na naging mas determinadong ibenta ang mga migranteng manggagawa bilang murang kalakal kaysa kay Arroyo,” sabi ni Gina […]

Unang bayo ng krisis pampinansiya

January 15, 2009

Migranteng Pilipino ang unang binabayo ng krisis pampinansiya sa daigdig. At lalo lamang titindi ang epekto nito sa mga bansang tulad ng Pilipinas na nakadepende ang ekonomiya sa malalaking bansa. Sunod na maaapektuhan: lokal na obrero. Itanggi man ng gobyernong Arroyo, inutil sila para pigilan ito.