Kabuhayan sa Kidapawan

July 4, 2012

Pagtotroso ang ikinabubuhay ng marami sa mga mamamayang nakatira sa bulubunduking bahagi ng Kidapawan City, North Cotabato. Ngunit mababa lamang ang sahod na kanilang natatanggap sa mga lumberyard, habang iba ang nakikinabang sa industriyang nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan.