Avatar

Rolando B. Tolentino

Rolando Tolentino was Dean of the College of Mass Communication at the University of the Philippines-Diliman. He is also the Chair of the Board of Directors of Pinoy Media Center.

Emo, New Moon at mga nilalang ng kapital

Kataka-taka ang bigat ng trafik noong Biernes, 20 Nobyembre 2009.  Hindi naman pay day, pero ang daming sasakyan sa SM North at Trinoma.  At kahit pay day pa, hindi naman ganito kabigat ang trafik.  Natuklasan na lang namin ni Sarah na opening day pala ng New Moon, ang franchise na nobela at pelikulang kinahuhumalingan ng […]

White-water rafting sa Cagayan de Oro

May nagaganap na urban redevelopment sa Cagayan de Oro (CDO), isa sa mga pangunahing syudad sa Mindanao. Una, ang tradisyonal na sentro ay nananatiling sentro pa rin ng pamayanang buhay ng mamamayan. Ang Divisoria ay muli’t muling niriridisenyo para magmukhang urban at kosmopolitan. Hinahawaan ng Manila ang palamuti ng mga ito. Matatagpuan dito ang mamahaling […]

Baha at alaala

Lampas nang isang buwan nang bumigwas ang bagyong “Ondoy” at “Pepeng.” At ipinapaalaala ng serialidad ng mga bagyo ang mortalidad ng buhay at alaala. May nakapagsabing walang memorya ang mga Filipino. Paano nga magkakaalaala kung paratihang literal at figuratibong binabaha ang mga objek ng alaala? Inaanod palabas kundi man nilulubog sa baha at putikan para, […]

Airport

Ipinapahiwatig ng airports ang makabagong estado ng individual at kolektibong buhay—ang walang katiwawaang pag-aantay sa ilalim ng surveillance.  Tatlong oras kung international flight, dalawa kapag lokal na biyahe.  Di pa kasama rito ang biyahe papuntang airport, ang sobra-sobrang tantyahan at pataan sa oras para makarating sa itinakdang oras ng pag-aantay sa airport. Sa lamang pumapayag […]

Mga pelikula sa American Airlines

Nalaman ko lang na matagal na pala akong di nakapag-Amerika nang makita kong naglakihan na ang mga pamangkin kong dinalaw doon. Si Julia ay kasing laki ng bunsong si Isabella nang huli ko itong madalaw. Ang panganay na si Jake ay mas matangkad pa sa kanyang tatay sa kanyang 16 na taong gulang. May dalawa […]

Butas sa kisame

Ito ang aking Moby Dick, kahit hindi naman ganoong kalaki. Higante pa rin itong black hole na nakadungaw sa akin sa tuwing pumapasok ako sa banyo sa ikalawang palapag ng bahay. Kung sa manunulat na si Ernest Hemmingway, ito ang isdang hindi rin niya mahuli-huli. Ito ang kanyang obsesyon, ang parating sumusunggab sa kanya pagpalaot […]

Anunsyo matapos ng baha

Matapos ang baha, binaha ang mamamayan ng dalawang kakatwang anunsyo mula sa National Disaster Coordinating Center na muli’t muling inaalingawngaw ng mga coverage ng balita: una, kung hindi kinakailangan, huwag gamitin ang sasakyan dahil naantala ang operasyon ng pagtulong at pagligtas; at ikalawa, iwasang gamitin ang cell phone dahil binabara ang frequency waves para sa […]

Martial law babies

Bago nagkaroon ng Gen X (henerasyong pwede kahit ano), at Gen Y (mas masahol na henerasyon ng kawalan-pinaniniwalaang katotohanan), matapos ang Gen Text (texting generation na naging kabahagi ng promo ng higanteng telecom), nauna ang “martial law babies.” Ito ang henerasyong akala nang lahat ay sinumpa ng kasaysayan—na nagkaroon ng kamulatan sa panahon ng sapilitang […]

Imeldifikong dehistorisasyon

Una kong natunghayan ang Cultural Center of the Philippines (CCP) nang ginagawa pa lamang ito, at nang ipalabas sa amin ang Pinagbuklod ng Langit (1969) pagkatapos ideklara ang martial law noong 1972. Ito ang pelikulang biograpiko ng mga Marcos para sa reeleksyon ng 1969. Naalaala ko, noong mahilig pang mamasyal ang tatay ko, nag-drive kami […]

Talunan sa sariling tensyon

Lampas ng dalawang buwan akong nagtagumpay sa aking trabaho.  Hindi ko ito nauuwi sa bahay.  Pagkatapos umalis sa opisina ay sarado na ang mundong ito.  Maliban sa pahabol na text sa kalagitnaan ng gabi o kapag Sabado’t Linggo, wala namang malakas na aninag na bitbit pa sa bahay. Sa pagsasara ng ikatlong buwan, natalo ako.  […]