Kwento ni Melissa

June 8, 2009

Kumalat sa internet ang kwento ni Melissa C. Reyes, isang Filipina Amerkano na graduate ng University of California San Diego. Exposuree si Melissa sa Bayan-Central Luzon. Nagnanais siyang makangalap ng materyales sa kahirapan, gawing nobela sa hinaharap. Laking gulat niya nang ang dumating sa kanya ay lampas sa kanyang inaasahan. Noong 19 Mayo 2009, habang […]

Sulat kay Uncle Sam

June 1, 2009

Pasensya na, Uncle Sam at nangahas akong sumulat sa iyo. Hindi ko mapigil ang sarili, umabot na kasi ng sampung taon ang di pantay na kasunduan ng VFA (Visiting Forces Agreement). Mayroon lang akong nais sabihin sa iyo. Prangkahan tayo. Akala ko ay tatantanan mo na kami nang patalsikin ang base militar ng US ng […]

Mga oras ng pagkaligalig

May 25, 2009

Ito ang bansang ang mga nagsasabi ng katotohanan—“whistleblowers” ang tawag sa ingles—ay nire-restback-an ng mga alipores ni Gloria Arroyo, at ang mga mapayapang nag-aasembleyang magbubukid sa Konggreso ay pinaghihinalaang kabahagi ng destabilization plots at marahas na dini-disperse. Noong Huwebes, sa forum ng Pagbabago!: People’s Movement for Change, “Trumped-up Charges: Suppressing the Truth and Silencing Dissent,” […]

Alamat ng pangalan

May 16, 2009

Lumikha ng alamat ng isang pangalan. Saan ito nagmula? Ano ang mitolohiya nito? Kathang-isip ang proyekto ng maikling pagsulat. Ito ang ikalawang workshop sa pagsulat para sa kaanak ng desaparasidos at iba pang nabiktima ng estado ng paglabag sa karapatang pantao. Walang mitolohiyang naganap. Ang banggit ng isang teenager, akala ko ay first year high […]

Sa loob ng madilim na kuwarto

May 10, 2009

Ito ang unang linyang kailangang dugtungan ng mga kasama sa workshop sa pagsulat. Ano ang mga bagay na nakakapa, nadadama sa kuwarto? Maglalagay ang mga kalahok ng sampung pangungusap, bago pare-parehong magtapos sa linyang “kaya alam kong makikita ko rin ang liwanag.” Nagsimula ang hapong sesyon sa isang therapy: paghahanap ng isang ligtas na lugar […]

Krus na Ligas

May 2, 2009

Ibang mundo ang Krus na Ligas, sa laylayan ng kampus ng UP. Siksikan sa tao, sasakyan, tirahan, at mga building na naglalakihan para sa mababang gitnang uring komunidad, ang Krus na Ligas ay sabayang kontest sa soberenya ng taumbayan na nakakapagtatag ng individual at kolektibong buhay sa lunan na ito sa isang banda, at paglalatag […]

Modyul sa pagsulat ng skit

April 26, 2009

ILANG araw na lamang at Mayo Uno na. Ang mga grupong kultural ay nagkakandakumahog gumawa ng skit at iba pang presentasyon para sa okasyon. Narito ang ilang punto tungo sa pagwo-worskhop ng mga idea at skip para sa Mayo Uno. Una, tandaan ang ilang bagaysa skit. Ito ay itatanghal sa rali. Mataas na ang panawagan […]

Pangingilin

April 14, 2009

Kabilin-bilinan ng matatanda kapag Semana Santa, “mangilin.” Ibig sabihin, huwag magkikilos, magnilay-nilay, makiisa sa pagkamatay ni Hesus, at ng kanyang muling pagkabuhay. Sa maraming hindi nakapagbakasyon, katumbas nito ang pagtunganga. Sa maraming walang cable, ang panonood ng mga misa, retreat, at maging komersiyal na pelikula at melodrama sa telebisyon na pinalulusot bilang “makabuluhan” sa panahon […]

Sister Stella L@25, tuloy ang laban!

April 5, 2009

Halaw ang titulo sa mismong imbitasyon ng grupo ng MA class sa UP Film Institute na nag-organisa ng pagdiriwang. Taong 1984 nang unang ipalabas ang obrang pelikula ng direktor na si Mike De Leon. Nilangaw ito sa takilya, na patuloy na ikinakadismaya ng producer nito, si Lily Monteverde aka Mother Lily. Pero sa pagtitipon nitong […]