Larawan ni Nick Ut ng Associated Press, sa Trang Bang, Vietnam noong Hunyo 8, 1972, matapos bombahin ng mga eroplano ng US ang naturang bayan.

Giyera, mula sa kalangitan

October 27, 2011

Sa kalangitan, daan-daang metro ang layo mula sa lupain, kakaiba ang karanasang makita ang mushroom cloud na nalilikha ng pagbagsak at pagsabog ng bomba na nilaglag mula sa eroplano. Di tulad ng mga sundalo sa ibaba, na harap-harapan ang pakikidigma at pagpatay sa kaaway, malayo sa aktuwal na karahasan ang mga piloto ng mga eroplanong pangmilitar.

Mga minero ng Serra Pelada, Brazil, 1985. Kuha ni Sebastiao Salgado.

Pandarambong sa Serra Pelada

October 15, 2011

Palaging nasa caption ng mga larawan ni Sebastiao Salgado ang lugar at taon kung kailan kinuha ang larawan. Mahalaga ang impormasyong ito. Kasi kung wala ito, isang magandang litrato lang ang makikita. Magandang komposisyon, magandang ilaw, magandang timing, magandang porma. Pero ano ang pagkakaiba nito sa isang fashion shoot ng isang nangangayayat na modelo na suot ang mga haute couture na damit habang nasa gitna ng disyerto o gubat?

Larawan mula sa Facebook album ni Adrian Kinloch (http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150396313441499&set=a.10150396309596499.412791.600936498&type=1&ref=nf)

Invader Zim Occupies Wall Street

October 5, 2011

Maraming imahen na nalilikha ang Occupy Wall Street. Interesante ang nasa itaas, unang una, dahil parang inosenteng tinedyer ang inaresto ng isang pulis ng New York matapos ang protesta sa Brooklyn Bridge.

Bahagi ang larawan sa itaas sa mga ineksibit ng PinoyMedia Center Inc. at Pinoy Weekly sa Ishmael Bernal Gallery sa UP Diliman noong Marso 2011 para gunitain ang ika-30 anibersaryo ng Diliman Commune ng 1971. Bahagi ang eksibit at porum hinggil sa komuna ng seryeng ‚ÄúDocumenting the Marginalized‚ÄĚ ng PMC at Pinoy Weekly.

Komprontasyon, noon at ngayon

September 19, 2011

Kalulunsad pa lamang noon ng welgang transportasyon o transport strike kontra sa pagtaas ng presyo ng langis. Nagbarikada ang mga estudyante sa University Avenue. Rumesponde ang mga pulis. Isang marahas na komprontasyon ang nasimulan.

Ang sinasabing huling larawan ni Salvador Allende, sosyalistang presidente ng Chile, sa kasagsagan ng kudeta laban sa kanyang administrasyon ng mga puwersang maka-kanan sa naturang bansa, noong Setyembre 11, 1973. Anonimo ang kumuha. Nagwagi sa 1973 World Press Photo bilang Photo of the Year.

Armadong Allende

September 8, 2011

Bago naganap ang karumaldumal na krimen sa sangkatauhan noong Setyembre 11, 2001, naganap muna ito: Ang karumaldumal na krimen sa sambayanan ng bansang Chile, noong 1973.