Jane Fonda sa North Vietnam, 1972 (Mula sa "Letter to Jane" ng Dziga Vertov Group)

Pakikiisa sa pag-aalsa

September 9, 2013

Magulo ang buhok, kaharap ang isang Biyetnames na nakasumbrerong pangmilitar sa North Vietnam. Iyan ang tanyag na artistang Amerikano na si Jane Fonda, noong 1972. Hindi makikita ang mukha ng kanyang kausap, pero makikita sa mata ni Fonda ang malapit na pakikinig, pakikiisa, pagmamalasakit. Nasa gitna ng giyerang agresyon ng militar ng US ang bansang […]

Kumakalat ngayon sa social media ang larawang ito ni Pope Francis kasama ang isang Gustavo Vera ng No Chains at La Alameda Argentina. Hawak nila ang isang t-short mula sa No Chains na kampanya na dinisenyo ni Andrew Florentino ng progresibong grupo ng mga artista na Ugatlahi Artist Collective.

‘Rebolusyonaryong’ Santo Papa?

July 29, 2013

Slumdog Papacy? Matapang, radikal, at — para sa mga konserbatibo sa loob at labas ng Simbahang Katoliko — nakakagulat, ang mga salitang binitawan ni Pope Francis, o sinipi sa kanya ng midya, bago at sa mismong pagbisita niya sa bansang Brazil kamakailan. Ito ang unang papal visit ng bagong Santo Papa sa labas ng Roma, […]

Lorna Tolentino (kaliwa) bilang Edith Burgos at Rocco Nocino bilang Jonas

Karaniwan, makatwiran

July 18, 2013

Rebyu: Burgos (2013) Dinirehe ni Joel Lamangan Iskrip ni Ricardo Lee Tampok sina Lorna Tolentino, Rocco Nacino, Allen Dizon, Ina Feleo, Dimples Romana, Bangs Garcia, Kerbie Zamora at Tirso Cruz III Pinrodyus ng Heaven’s Best Entertainment Sa kabila ng sirkumstansiya nila, pangkaraniwang pamilya ang mga Burgos. Kahit na dumaan na sila sa maraming pagsubok, kahit […]

Trahedya ng nakararami

March 16, 2013

Nakakadurog ng puso ang istorya ni Lorena (di tunay na ngalan): 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at walang-trabahong ina. Matalino, puno ng pag-asa.

Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain, iba pang gastusin. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Lorena at napuwersa na siyang mag-leave of absence

'Naririnig mo ba, ang himig ng sambayanan?' Mga rebolusyonaryo, sa barikada sa Paris, France noong 1832. Eksena sa pelikulang 'Les Miserables'.

Ilang tala hinggil sa ‘Les Miserables’

February 13, 2013

1. May hawig ang Europa ngayon sa Europa ng 1830s: ang matinding krisis sa ekonomiya, kasabay ng malawakang diskuntento at pag-aalsa. Noong huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang 1871, naganap ang serye ng bigo at matatagumpay na mga pag-aalsa. Ngayon, papatindi pa ang diskuntento, pero nagaganap na ang dambuhalang mga protesta, mula sa mga bansang tulad ng Greece […]

Orihinal na frame ng kuha ni Alberto Korda kay Comandante Ernesto "Che" Guevara, sa Havana, Cuba noong Marso 5, 1960. Ito ang naging batayan ng cropped na image ng poster ni Feltrinelli noong 1967, pinamagatang "Guerrillero Heroico", na kumalat sa buong mundo.

Tanaw sa malayo ni Che

June 15, 2012

Ito na raw ang pinakagamit na imahe sa kasaysayan ng photography: ang portrait ni Ernesto “Che” Guevara, nakasuot ng beret na may Komunistang bituin, nababalot ng determinasyon, tumatanaw sa malayo.

Ibangon si Oryang

January 9, 2012

Rebyu ng pelikulang “Ka Oryang” (Cinema One Originals & Kino Arts, 2011) | Dinirehe ni Sari Lluch Dalena, Istorya/Iskrip nina Sari Lluch Dalena at Keith Sicat | Tampok sina Alessandra de Rossi, Joem Bascon, Emilio Garcia, Angeli Bayani, Marife Necesito, Kalila Aguilos, Che Ramos, Alex Vincent Medina at Amable Quiambao

Buto't balat na batang Sudanese, gumagapang patungo sa isang UN feeding station. Sa likod niya, isang buwitre. Kuha ni Kevin Carter sa Sudan noong Marso 1993. Inilathala sa New York Times.

Kung bakit di niya pinulot ang bata

November 21, 2011

Una sa lahat, maaaring hindi tayo magugulat sa larawang ito: batang Sudanese na gumagapang sa lupa patungo sa isang feeding station ng UN noong Marso 1993. Sa likod niya, isang buwitre, naghahandang sagpangin ang bata. Pamilyar na kasi tayo sa larawang ito. Baka hindi ang eksaktong larawang ito, pero katulad nito: Larawan ng gutom at desperasyon sa Aprika.

Ang tunay na laban sa boksing

November 13, 2011

Palaging naihahalintulad ang propesyunal na laro ng boksing sa labanan ng mga gladiator noong panahon ng imperyo ng Roma. Sa labanan ng mga gladiator, gustong ipamalas ng imperyo kung paano dapat lumaban – at mamatay, nang may “dangal.” Nagsisilbing ehemplo ang mga gladiator para sa mga sundalo at mamamayan ng Roma kung papaano maglingkod sa imperyo at lumaban.