Pinoy Weekly

Pinoy Weekly

This is a product of collaboration between writers, photographers and/or artists of Pinoy Weekly.

New Abnormal

Higit na tumindi at naging mas litaw ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng hustisya – pawang mga pundamental na suliranin sa bansa – sa loob lamang ng ilang buwan na pagharap ng gobyerno sa pandemyang ito.

Militarisasyon sa Cebu

Nakakabahala na walang natutunan sa pandaigdigang krisis pangkalusugan ang gobyernong Duterte. Nakakabahala na wala itong ni katiting na pagtugon sa mga lehitimong panawagan at inihahaing solusyon ng mga mamamayan. Basta para sa kaniya at kanyang mga heneral, pasaway kasi ang mga Pilipino kaya kailangang sindakin, parusahan, at patayin.

Magulong datos, masalimuot na danas

Sa ganitong hinaing ng mga mamamayan, madalas isagot ng gobyerno na mas kaunti naman ang naapektuhan ng Covid-19 ngayon kung ikukumpara sa walang anumang hakbang. Para bang dapat pang ipagpasalamat ng Pilipinas na kumilos, kahit kaunti, kahit sablay, ang gobyerno.

Mga walang-hiyang VIP

Ito ang mukha ng prebilehiyo sa bansang ito. Ang mga miyembro ng naghaharing uri, maaaring lumabag sa social distancing, maglagay sa panganib sa mga mamamayang nakakahalibilo nila, gamitin ang VIP status para makauna sa testing habang mas marami ang nangangailangan.

Mag-ingat at makibaka

"Sa Pilipinas, kailangan ding ituro kung bakit umabot pa sa ganitong antas ang krisis. Enero pa lang, napag-alaman na ng Department of Health ang mga kaso ng sinususpetsahang maysakit na mula China na nakarating ng Pilipinas. Hinintay pa nito ang mahigit isang buwan bago ipinagbawal ang pagbiyahe mula sa bansang ito."