Avatar

Pinoy Weekly Staff

Video: Pagdinig ng Court of Appeals sa kaso ng Morong 43

Ikinuwento ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa mga tagasuporta ng Morong 43 sa labas ng Court of Appeals noong Pebrero 12 ang naganap na pagdinig ng korte sa writ of habeas corpus hearing noong araw na iyon.

Video: AFP, nagpatugtog nang malakas sa piket para palayain ang Morong 43

Noong Pebrero 18, nagsagawa ng piket sa harap ng Camp Aguinaldo, headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP), para igiit ang pagpapalaya sa 43 mga doktor at health worker na tinortyur at nananatiling nakadetine. Pero sa halip na pakinggan ang mga kaanak at tagasuporta ng tinaguriang Morong 43, nagpatugtog nang malakas ang AFP para […]

Pondo sa ‘El Niño’ kinurakot?

Maaaring sa palasak na korupsiyon at maling paggastos ng pondo sa agrikultura maisisi ang kakulangan ng kahandaan ng administrasyong Arroyo sa pagharap sa El Niño, ayon sa isang progresibong kinatawan. “Alam ng halos lahat ng mga nasa DA (Department of Agriculture) na tatamaan ng El Niño ang bansa. Sa kasamaang-palad, hindi matagpuan kung nasaan ang […]

Mga Larawan: Pagtatanghal ng Mrs. B

Samu't saring emosyon ng isang inang naghahanap, sa monologo na batay sa buhay ni Edita Burgos at dinukot na anak na si Jonas

Tortyur sa 43 health workers, umiigting

Nagpatuloy ang tortyur at interogasyon ng 43 doktor at health workers na nakadetine pa rin sa Camp Capinpin sa Taytay, Rizal. Ayon sa ulat ng Health Alliance for Democracy (Head), umigting pa ang pisikal at sikolohikal na tortyur sa mga ito, sa kabila ng bisita ni Leila de Lima, chair ng Commission on Human Rights […]

Morong 43 tinortyur sa kamay ng AFP

Tinortyur ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang health personnel na ilegal na inaresto noong nakaraang Sabado, kabilang ang pangunguryente sa isang 60-anyos na doktor. “Batay sa kuwento ng mga detenido, isinailalim sila sa iba’t ibang porma ng tortyur at sexual harassment,” ayon kay Dr. Geneve E. Rivera, pangkalahatang kalihim ng […]

Inhinyerong Pinoy nagwelga sa Saudi Arabia

Sinimulan noong Pebrero 6 ng mahigit 200 Overseas Filipino Workers (OFW), karamiha’y inhinyero, bisor, at manggagawa sa konstruksiyon, ang welga laban sa isang kompanya sa Saudi Arabia dahil sa umano’y mga paglabag sa kontrata kabilang ang di-pagbayad at delayed na suweldo, ilegal na kaltas sa suweldo, at di-pagbayad ng overtime pay. Ayon sa ulat na […]

43 health workers ‘hindi NPA,’ hiniling na palayain

Dumarami ang mga grupong humihiling ng kagyat na pagpapalaya sa 43 health workers na kasalukuyang nakadetine sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal, matapos ang isang mass arrest o maramihang pag-aresto na tinataguriang “unprecedented” o wala pang katulad simula noong batas militar. Naglabas ng mga pahayag ng suporta sa mga detenido ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), progresibong mga […]

Mandatoryong singil sa Pag-Ibig, napaatras ng OFW sa Hong Kong

Matagumpay na napaatras ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong ang mandatoryong membership at paniningil ng Pag-Ibig, na tinitingnang isang pabigat sa mga migranteng Pilipino. Inihayag ni Cynthia Abdon-Tellez, tagapangulo ng Gabriela-Hong Kong, na pansamantalang iniatras na ng gobyerno ang panukalang gawing mandatoryo ang pagiging kasapi ng Pag-Ibig para sa mga OFW sa […]