‘Mga fraternity, maglinkod sa bayan, pawiin ang hazing

February 28, 2012

Nanawagan ang militanteng grupo ng kabataan na Anakbayan sa lahat ng organisasyon ng mga mag-aaral, asosasyon, at higit sa lahat sa mga fraternity, na itigil ang paggamit ng brutal, bayolente at nakamamatay na hazing. Ito ang nais ipaabot ng grupo sa kanilang pahayag hindi lamang sa komunidad ng San Beda College, kundi sa lahat ng […]

Mas matinding protesta vs krisis sa edukasyon, inaasahan

February 28, 2012

Palala nang palala ang krisis sa edukasyon, ayon sa militanteng mga grupo ng kabataan: papataas na mga matrikula at mga bayarin, pagkaltas muli sa badyet ng sektor ng edukasyon, at kainutilan diumano ng administrasyong Aquino sa harap ng mga ito. Kung kaya muling tutungo ng lansangan ang kabataan, para iprotesta ang tumitinding krisis na ito.

Tumitinding atake sa kabataang aktibista

February 28, 2012

Hinala ng militanteng mga grupong kabataan, hindi hiwalay sa programang kontra-insurhensiya ng militar na Oplan Bayanihan ang mga atake sa mga aktibista tulad sa “Porac 3”, Ekis Gimenez at Lordei Hina, gayundin ang panghaharas at pinaghihinalaang tangkang pagdukot sa mga mamamahayag pangkampus sa Samar nitong Peb. 26.

Pinawawakasan nila ang "espesyal na pagtrato" ng administrasyong Aquino kay Gloria Arroyo. (Pher Pasion)

‘Espesyal’ na pagtrato kay GMA kinondena

February 21, 2012

Sinugod ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at iba pang militanteng organisasyon ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City upang igiit na ilipat si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ordinaryong kulungan.

Nagkabit ng banderitas ang mga miyembro ng Kadamay at Anakpawis Party-list sa mga traysikel sa Commonwealth-Batasan bilang suporta sa panukalang batas na ibasura ang Oil Deregulation Law. (Pher Pasion)

Tigil-pasada, protestang bayan panawagan ng mga maralita vs tuluy-tuloy na OPH

February 17, 2012

Isang tigil-pasada at “protestang bayan” ang ipinanawagan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) kontra sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon sa mga maralitang lungsod, sila umano ang pangunahing tinatamaan sa bawat sentimong pagtaas ng presyo ng langis. Kaya, nanawagan ng Kadamay na muling ulitin ng mga tsuper at iba pang sektor ang matagumpay na protesta at tigil-pasada noong Septyembre 19 noong nakaraang taon na nagparalisa ng transportasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Piket ng mga manggagawang pangkalusugan sa tanggapan ng Philhealth. (Pher Pasion)

Dagdag-bayad sa PhilHealth, kinondena ng sektor pangkalusugan

February 12, 2012

Kinalampag ng mga kawaning pangkalusugan, kasama ang kanilang mga pasyente at kaanak, ang tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pasig City sa nakaambang pagtaas ng premium na aabot sa 100 hanggang 160%. “Kung ang PhilHealth ay talagang para sa kapakanan ng mga mamamayan, dapat magpokus ito higit sa pagpapabuti at pagpapalawak ng sebisyo […]