Avatar

Kontribusyon

Larawan: Shamcey Supsup, hiningan ng suporta sa kampanya vs budget cut sa UP

Nagbigay ng bouquet ng bulaklak na may nakasulat na "No to Budget Cut!" si Student Regent Krissy Conti kay Miss Universe 3rd Runner Up Shamcey Supsup. Bumisita si Supsup sa Unibersidad ng Pilipinas matapos ang matagumpay na paglahok sa pandaigdigang pageant noong nakaraang linggo. Kasama sa tumanggap kay Supsup ang mga opisyal ng pamantasan na sina UP Diliman Chancellor Caesar Saloma at UP President Alfredo Pascual. Nakatakdang magwelga ang mga estudyante ng UP at iba pang state colleges and universities sa Setyembre 21 hanggang 23 para iprotesta ang pagkaltas ng gobyernong Aquino sa badyet ng edukasyon. (Airnel Talatala Abarra)

Larawan: Bahay ni Ka Bel sa maralitang komunidad sa QC, marahas na dinemolis

Tiningnan ni Rosario "Osang" Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin "Ka Bel" Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano'y bigyang daan ang isang "National Government Center Eastside Development Project" ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)

Dalawang tula

Dalawang tula nina Raymund Villanueva at Kislap Alitaptap.

Larawan: Mga maralitang residente sa tenement sa Tondo puwersahang pinalalayas

Pilit na binuksan ng mga alagad ng National Housing Authority (NHA) ang mga yunit na tirahan ng mga maralitang residente sa Diosdado Macapagal Tenement noong Agosto 10 para palayasin sila. Nagdesisyon ang NHA na paalisin ang mga residente sa naturang tenement dahil idineklarang kondenado na ang naturang bilding. Ngunit, giit ng mga residente, may karapatan sila sa lupain ng naturang tenement, na pinabayaan ng NHA at gobyerno hanggang mabulok at madeklarang kondenado. (Contributed Photo)

SONA ni PNoy, sasabayan din ng protesta sa Mindanao

Cotabato City- -Handang-handa na ang mga militanteng grupo sa lungsod ng Cotabato sa pagsalubong ng protesta sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng ika-15 pangulo ng Pilipinas na si Benigno Simeon Aquino III sa Hulyo 25.

Bungkalan muli sa Hacienda Luisita

Patuloy ang paggiit ng mga manggagawang bukid sa kanilang karapatan sa lupain ng asyenda. Ang pinakahuling hakbang: pagbubungkal at pagtanim sa lupang binakuran ng isang bangko na di-makatarungang pinagbentahan ng pamilyang Cojuangco-Aquino.

Pandaigdigang kumperensiya sa pakikibaka ng mamamayan, isinagawa sa Maynila

Bilang paggunita ng mga pakikibaka sa gitna ng palalang krisis pandaigdigan, ginanap ang International Festival of People’s Rights and Struggles (IFPRS) noong Hulyo 4-6 sa Maynila. Naging layunin ng IFPRS ang paggunita sa nagdaang mga kaganapan sa iba’t ibang panig ng mundo na nagpakita ng palalang kalagayan ng pandaigidgang situwasyon, tulad ng mga naranasang food […]