Sinusukluban ng watawat ng imperyo

November 28, 2011

Simbolo ng pangingibabaw? Madalas na ginagawang dekorasyon o disenyo sa mga dyip ang watawat ng Estados Unidos. (Kuha ni Joey Henson sa rutang Binangonan, Rizal.)

‘Idol ko si Father Pops’

November 25, 2011

DAVAO CITY – Inspirasyon nila ang buhay ni Father Fausto “Pops” Tentorio. Kung kaya, nag-organisa ang mga kabataan at estudyante ng isang volunteer group bilang pagpugay sa buhay at ehemplo ng Italyanong pari na pinaslang noong Oktubre 17.

Larawan: Shamcey Supsup, hiningan ng suporta sa kampanya vs budget cut sa UP

September 19, 2011

Nagbigay ng bouquet ng bulaklak na may nakasulat na “No to Budget Cut!” si Student Regent Krissy Conti kay Miss Universe 3rd Runner Up Shamcey Supsup. Bumisita si Supsup sa Unibersidad ng Pilipinas matapos ang matagumpay na paglahok sa pandaigdigang pageant noong nakaraang linggo. Kasama sa tumanggap kay Supsup ang mga opisyal ng pamantasan na sina UP Diliman Chancellor Caesar Saloma at UP President Alfredo Pascual. Nakatakdang magwelga ang mga estudyante ng UP at iba pang state colleges and universities sa Setyembre 21 hanggang 23 para iprotesta ang pagkaltas ng gobyernong Aquino sa badyet ng edukasyon. (Airnel Talatala Abarra)

Larawan: Bahay ni Ka Bel sa maralitang komunidad sa QC, marahas na dinemolis

September 6, 2011

Tiningnan ni Rosario “Osang” Beltran, biyuda ng yumaong dakilang lider-obrero at kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list na si Crispin “Ka Bel” Beltran, ang bahay nila ni Ka Bel sa Commonwealth Avenue na sinira ng demolition team para diumano’y bigyang daan ang isang “National Government Center Eastside Development Project” ni Pangulong Benigno Aquino III. (Roi Azure/Kontribusyon)

Larawan: Mga maralitang residente sa tenement sa Tondo puwersahang pinalalayas

August 12, 2011

Pilit na binuksan ng mga alagad ng National Housing Authority (NHA) ang mga yunit na tirahan ng mga maralitang residente sa Diosdado Macapagal Tenement noong Agosto 10 para palayasin sila. Nagdesisyon ang NHA na paalisin ang mga residente sa naturang tenement dahil idineklarang kondenado na ang naturang bilding. Ngunit, giit ng mga residente, may karapatan sila sa lupain ng naturang tenement, na pinabayaan ng NHA at gobyerno hanggang mabulok at madeklarang kondenado. (Contributed Photo)

Paghahanda ng mga miyembro ng militanteng mga grupo sa Cotabato, para sa SONA ng Bayan sa lugar. (Kontribusyon)

SONA ni PNoy, sasabayan din ng protesta sa Mindanao

July 24, 2011

Cotabato City- -Handang-handa na ang mga militanteng grupo sa lungsod ng Cotabato sa pagsalubong ng protesta sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng ika-15 pangulo ng Pilipinas na si Benigno Simeon Aquino III sa Hulyo 25.