Miyembro ng NDF, sumugod sa Camp Crame para sa pagpapalaya ng mga Tiamzon

March 28, 2014

Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)- Cavite sa harap mismo ng himpilan ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City kaninang umaga. Nanawagan ang mga miyembro ng NDFP na palayain sina Benito Tiamzon at Wilma Austria, mga lider-rebolusyonaryo na umano’y ilegal na inaresto noong Marso […]

Sa Pasig: Ikaapat na araw matapos ang pananalasa ni Ondoy

October 1, 2009

Sa Brgy. Maybunga, Pasig City, abot ang tubig hanggang sa tulay mismo noong kasgsagan ng baha. Libong pamilya ang naninirahan sa gilid ng floodway. Sa naturang barangay, naging evacuation center ang Brgy. Maybunga Elementary School. May 2,000 katao ang naririto sa kasalukuyan. Mga residente na nakatira sa gilid ng floodway. Walang punto para sa kanila ang bumalik sa bahay nila sapagkat sira na ang mga ito.

Video: Biktima ng kalamidad at kapabayaan

September 30, 2009

Mga kuwento ng trahedya at hinagpis sa Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Sa plaza ng barangay, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga labi ng nasawing mga residente — biktima kapwa ng kalamidad at kapabayaan.

Video: Ikalawang araw matapos ang bagyo sa Marikina

September 29, 2009

Kakarampot ang tulong na natatanggap ng mga biktima ng bagyong Ondoy sa isa sa pinakanasalantang lugar sa Kamaynilaan. Samantala, abala ang gobyerno sa pagpapaganda muli ng siyudad, at hindi sa pagtugon sa kumakalam na sikmura ng mga residente dito.

Mga larawan: Kamatayan sa Bagong Silangan

September 29, 2009

Libing na pangmaramihan ang nagaganap ngayon sa mga maralitang komunidad gaya ng Brgy. Bagong Silangan sa Batasan, Quezon City. Dito masisilip ang mukha ng trahedya ng pananalasa ng bagyong Ondoy at kapabayaan diumano ng gobyerno.