Avatar

Kenneth Roland A. Guda

Kenneth Roland A. Guda is a former editor-in-chief of Pinoy Weekly and a board member of PinoyMedia Center, Inc.

Tortyur, opisyal na polisiya ng gobyernong Arroyo – Karapatan

Hindi man nito inaamin, polisiya ng gobyernong Arroyo ang paggamit ng tortyur sa giyera nito kontra sa insurhensiya. Ito ang iginiit ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, sa pagpiket nito sa harap ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Pakikipagkaisa sa mga Biktima ng Tortyur noong […]

Pagkakaisa kontra sa tusong rehimen

Pagpasa sa ekstensiyon ng CARP. Pagsaisantabi sa Right of Reply Bill at Reproductive Health Bill. Pagkabiyak ng oposisyon sa Senado at pagbalik ni Mancao. Pagbalik sa usapang pangkapayapaan. Pananakot ng A(H1N1) virus. Mga hakbang na kaya ito para pahupain ang oposisyon na kumokontra sa pagpahaba ng termino ni Pangulong Arroyo?

Mapait na karanasan ni Melissa sa landas ng kamulatan

Pumunta lamang sa Pilipinas si Melissa Roxas para kilalanin ang bansang pinagmulan ng mga magulang niya. Sa prosesong ito, nakilala niya ang kalupitan ng gobyernong Arroyo -- pati na rin ng gobyernong US -- sa mga mamamayang gusto lamang baguhin ang kanilang abang kalagayan.

Militanteng kongresista nanawagan ng malawakang protesta laban sa ‘tiraniya ng mayorya’ sa Kamara

Binatikos ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang mga hakbang ng mayoryang maka-administrasyon sa Kamara para madaliin ang pagpasa ng House Resolution 1109 na magbubuo ng isang Constituent Assembly (Con-ass) para repasuhin ang Saligang Batas. Kaugnay nito, nanawagan si Mariano ng malawakang protesta laban sa pinakabagong hakbang ng mga alyado ng Malakanyang para maipasok ang mga […]

Mayorya, naniniwalang CARP di makakasugpo sa kawalan ng reporma sa lupa

Karamihan ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang makakasugpo sa monopolyo ng pagmamay-ari sa lupa ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ayon sa sarbey ng Ibon Foundation, Inc., 67.6 porsiyento o mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi solusyon ang CARP sa di-pagmamay-ari ng magsasaka sa lupang kanyang sinasaka. Sinabi rin sa sarbey na malaking bilang […]