May 13 Statement

May 15, 2011

I would like to extend my gratitude once more to friends, colleagues and human rights advocates who have untiringly sustained the call for my immediate and unconditional release from prison. I would also like to thank and commend the Free Ericson Acosta Campaign for the due attention that it has given to the plight of […]

April 19: RESBAK

April 30, 2011

It was only last year that I was introduced to Axel Pinpin’s prison poetry and I must say I was blown away. I told myself, that’s the way to do it. I wonder what he’d make of this pitiful poem above, my very first under detention and also in eight months. I wish Ka Axel could write me a letter and just tell me exactly how he did it. Here’s the story, meanwhile, behind the bag of crackers, and more.

WELCOME VISITORS v.2

April 29, 2011

Tulungan n’yo ako. Kanina pa ako maya’t mayang napapatitig sa pader sa kaliwa ko at sa kung ano ang nakasulat dito. “WELCOME VISITORS MERRY CHRISTMASS AND HAPPY NEW YEAR BSL22 HAPPY ANNIVERSARY,” sabi ng pader. Bawal pumasok sa selda ang mga bisita kaya’t palaisipan kung bakit may WELCOME VISITORS. Pero hindi ito ang problema ko. Seryoso, tulungan n’yo ako – tama ba ang ispeling na CHRISTMASS?

Ikapitong Sundang…

April 28, 2011

Ang naunang posts ay ang pinakabago kong mga tula. Pito sana ang tula sa seryeng ito na nasimulan ko noon pang Agosto, kaya may pamagat na “Pitong Sundang”. Tungkol ito sa mga magsasakang setler sa bulubundukin, kaya naisip kong gamitin ang kanilang pantrabaho — ang sundang — upang mag-ugnay sa mga metapora ng serye. Ang […]

Ikalimang Sundang: TULA

April 28, 2011

At may ilan sa ating nangahas na iukit ang panata sa dibdib ng yungib. Pumipintig ang bawat salita Sa pag-andap ng siga: Panday Bakal Apoy Hataw TALIM.   Talim Puluhan Sarungan Pisi SUNDANG. Sundang Api Hakbang Gabi TAMBANG.

Ika-apat na Sundang: TALÂ

April 28, 2011

Sablay man sa baybay inuukit natin ang pangalan ng mga inaalala at sadyang minamahal sa tadyang ng malabay sa tungkod na yantok sa budyong at tongatong sa bagol at palayok. Sablay sa baybay, totoo, subalit salatin at silang-sila rin ang sawing salaysayin sa siwang ng mga titik na ito— sumasaludsod sa kalyo at kuko gaya […]

Ikatlong Sundang: SIPAT

April 28, 2011

Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong ang talim at gulugod ng ating mga sundang. Itinutok ko ito sa langit isang araw at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata. At sa aking asinta ay mayroong tumawid: mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina. […]

Ikalawang Sundang: HAPAG

April 28, 2011

Alaala natin, binibiyak natin ang niyog at nabubulabog ang mga tamsi. Alaala natin, tinataga natin ang kamansi at langka at iba pang alay na may dagta. Alaala natin, hinihiwa natin sa pisngi ang mangga o ang sambilao kaya ng sinukmani. Alaala natin, ginigilit natin sa leeg ang tinali at anong aliw ang hatid sa atin […]

Unang Sundang: HULING KAINGIN

April 28, 2011

Dati’y leeg, naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok ang ating kinakaingin— ang ating huling kaingin. Naririnig na ba ninyo, kaluskos ng mga hayok na nais kitang tugisin, sa tangis mandi’y lusawin? Sibakin, baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap. Tiyaking ang gagatungin, walang asô kung dumiklap. Mga aso ay turuang tahimik na umalulong. Sa […]