Usok

July 22, 2012

Sa pagitan / ng naghilerang mga patak / ng ambon / ay sampaguita / kundi man dahon / ng sambong

Sulat kay Ricky Lee

July 13, 2012

Ngayon ko lang narinig ang bersyon ni Marcus Simeon eng “A Change is Gonna Come.” Gaya ng bersyon ni Sam Cooke o ni Terence Trent D’Arby nakakapangilabot sa husay ng piyesang ito. May pinapaalala rin ito sa akin. Nung huli ko kasi itong kinanta, hataw lang talaga sa palyado kong falsetto

Drawings

March 25, 2012

Salamat sa ipinadala ninyong sketchpad at pencils. Pero ito rin ang may kasalanan kung bakit di pa natatapos ang mga ipinangako kong sulatin. Drawing lang kasi ako nang drawing at ang mga kosa naman ay gusto syempreng magpradowing. Meron pa ngang kaibigan yung mga trustee at guards na babae na nakatira sa malapit dito na nagpapa-isked na ring magpadrowing.

Gabi ng Taglagas

February 19, 2012

Kahapon, nadulas sa pagbulalas ang isa sa aking mga dalaw: “Happy first anniversary mo rito.” Wala naman sa akin ‘yon, pero agad-agad din, bago pa man ako mangiti o makatawa, napagtanto niya marahil ang maaaring pagkawala-sa-lugar ng magiliw sana nilang pakli.

Hunger Strike Letters (2)

January 29, 2012

Liham ni Ericson kina Alan Jazmines, Edong Sarmiento, Ed Serrano (mga bilanggong pulitikal) at kay Gang Badoy ng Rock Ed Philippines, sa kalagitnaan ng paglulunsad niya ng hunger strike.

Hunger Strike Letters

January 21, 2012

Binabati ko kayo at nakikiisa rin sa inyong hunger strike at iba pang kaugnay na mga aktibidad sa panahon ng International Day of Solidarity for Political Prisoners hanggang sa International Human Rights Day. Matagumpay ninyo itong naisagawa sa kabila ng mga pagbabanta sa inyo ng mga awtoridad. Sa inyo ang paghanga ko at pagsaludo sa ipinapakita ninyong tapang at giting.

Kabilang sa mga Nawawala (5)

December 10, 2011

Marami na ngang nawala sa akin. Drowing, kwaderno, panyo. Script, magasin, medyas. Tape, libro, t-shirt. Marami pa. Pero walang problema. Hindi naman ninakaw sa akin ang mga iyon. Leksyon na nga lamang ito marahil sa kung paano pangingibabawan ang pana-panahong pagiging burara.

Kabilang sa mga Nawawala (4)

December 4, 2011

Marami pa sana akong gustong sabihin dito tungkol sa paksa ng eksena, tungkol sa punk, tungkol sa rakenrol, tungkol kay Ely, tungkol kay Dong at iba pa – pero saka na lang. Huli na lang kaugnay nito: Isang beses ay nakasama ko sa Berouz ang buong Eraserheads, si Ann Angala (ang kanilang manager) at at si Chickoy Pura.

Sulat kay Bibeth Orteza

November 30, 2011

Nung isang araw ko lang natanggap ang sulat n’yo. Nabasa rin ito ng mga kaselda at nakaabot pa nga sa at least dalawa pang selda. Kung na-touch ang mga kakosa, paano pa kaya ako? Damo nga salamat ngan damo pa lewat nga salamat!