Avatar

E. San Juan Jr.

Sining at Panitikan Ngayon sa Gilid ng Bangin

[Panayam sa Taboan 2014 Philippine Writers Festival, Pebrero 25, 2014, Subic Freeport Zone, Zambales] Kung sa anong dahilan, inatasan akong ilarawan ang situwasyon ng literatura–mas tumpak, ng awtor– sa bingit o gilid…Ngunit bakit natulak dito? Hindi maihihiwalay ang gilid sa gitna; kapwa pook ng relasyon o ugnayan. May saysay pa ang mag-usisa kung ano ang […]

TULA | Aanhin Pa Ang Damo Ng Grasya Kung…?

Napasaglit kami sa Cova da Iria, Fatima, Portugal, bahagi ng isang turistang grupo, nang mabalitaan namin ang kabuktutang nangyari sa Lacub, Abra, Setyembre 4-6, 2014. Diumano’y nagpakita ang Birhen sa tatlong pulubing pastol noong 13 Mayo 1917, kalagitnaan ng madugong digmaan sa Europa noon. Inatasan silang magdasal… Ngayon ang Fatima ay dambanang alay sa kapayapaan, […]

Mantrang Inanod sa Maitim na Butas ng Cyberspace

Datapwat lalong lumala ang sakit at gutom kahit 7.2% lumago ang GNP Diyata Datapwat wala pang $2 kada araw ang pantawid-buhay ng nakararaming pamilya Diyata Datapwat sa harap ng nagkatusak na mall 39 milyong tao ang walang trabaho Diyata Datapwat wala pa ring hustisya ang mga biktima ng Mendiola’t Ampatuan masaker Diyata Datapwat pinatay pa […]

Pagmumuni-muni Hinggil sa Pagdurusang Ipinataw kina Andrea Rosal at mga Kasama sa Camp Bagong Diwa

Sapagkat walang tigil ang pagpaparusa’t pahinto-hinto ang pagpapahintulot Sapagkat malambot ang laman ng sanggol kaya tumigas ang inyong loob Sapagkat walang maasahan sa rehimeng Aquino kaya umasa sa madlang nakikibaka Sapagkat malupit ang militar-pulis subalit maamo’t mahinhin ang mga kapanlig Sapagkat  marahas ang hukom at burokrasya kaya mahinhin ang nakikiramay Sapagkat mapait ang hatol ng […]

Sagot ng Kaluluwa ni Richard Pulga sa Sumpa ng Kawayan

“….Iniluwa ko na ang galit sa pusong nagpupuyos Nang putulin ang aking binti, ngunit di pa rin nakaligtas Sa sumpa ng marahas na kalagayan– O Yolanda!  Yolanda! Walang kailangan, elastiko’t “resilient” daw ako Mapagbigay, pigil ang luha’t tiis ang gutom–sino sila? Sina Gabriela Silang, Gregoria de Jesus, Lorena Barros kaya iyon? Di ko malilimutan, O […]

Pagtuklas sa Himagsikan: Kataksilan, Kabulaanan, Kakulangan (Alay kay Andres Bonifacio, Bayani ng Bayang Pilipinas)

Marahil nadinig na ang kasabihang “Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo?” Ngunit naitanong ng sugo ng Imperyo: “Ano ang katotohanan?” Hindi nakuha ng isinakdal noon na gumuhit sa buhangin upang tumugon; may usisa pa ba sa kasukdulan ng naratibong iyon? Samantala, sa pagbabalik-tanaw sa ating pambansang kasaysayan, ang kuwento tungkol sa Supremo (Gat. Andres Bonifacio) […]

Balada ni Jonas Burgos, Naligaw sa “Daang Matuwid”

Mga Kasama: Habang papunta sa gawing Hacienda Luisita Niyaya ni Major Harry Baliaga na magpalamig muna Sa Ever Gotesco ng mapanuksong waytres Niyakag upang kwentuhan ng kung anong nangyari Kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño at mga saksi At ang masuyong Binibining Melissa Roxas Ngunit sabi ko’y nais kong hanapin, taluntunin Ang matuwid na landas […]

Introduksiyon sa ‘Pitong Sundang: Mga Tula at Awit’ ni Ericson Acosta

Malamang na di na kailangang ipakilala pa sa madla ang awtor ng librong ito, si Ericson Acosta (Ka Eric dito), ibinilanggong manunulat, kompositor, mang-aawit, peryodista, at aktibistang intelektuwal. Ngunit walang katiyakan sa buong mundo. Sa kaharian ng Kapital lukob ang neokolonyang Pilipinas na  (sa turing ni Ka Eric) isang malaking “penal colony,” lahat ng matatag […]