Danilo Araña Arao

Danilo Araña Arao

Si Danilo Araña Arao ay kawaksing propesor (associate professor) sa Departamento ng Peryodismo, Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya rin ay kawaksing patnugot (associate editor) ng Bulatlat Multimedia at nasa board of directors ng Alipato Media Center at Kodao Productions.

Eleksiyon, telebisyon at pakiusap sa nangungunang mga istasyon

Sa pagbaha ng walang-katuturang patalastas sa pagsisimula ng kampanya sa Pebrero 9, mainam na magkaroon ng sariling pagkukusa ang ABS-CBN at GMA na maghatid ng makabuluhang political ads. Pero may malaking magagawa rin ang mga tagasubaybay para pakiusapan silang bigyan tayong lahat ng political ads na direktang naglalahad ng paninindigan ng mga kandidato sa mga importanteng isyu.

Kung bakit dapat magparami sa UPLB

Gusto ni Chancellor Luis Velasco ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) na ipatupad ang pagkakaroon ng malalaking klase para sa lahat ng foundation at general education courses sa susunod na semestre na magsisimula sa Hunyo 2010. Kung noon ay umaabot lang sa 25 hanggang 40 ang bilang ng mga estudyante bawat klase, ngayon ay magiging 160 hanggang 250 na.

Ako, punong abala

Ang medyo maluwag na panahon sa aking pansamantalang pamamalagi sa Korea ay naging masikip sa aking pagbabalik sa Pilipinas. Sunud-sunod ang mga kailangang gawin, maraming artikulong kailangang tapusin. Nagsisimula na ring dumating ang mga imbitasyon para magbigay ng iba’t ibang lektyur, seminar at workshop at unti-unti nang napupuno ang aking kalendaryo. Enero pa lang ngayon […]

Buwagin ang MTRCB

May lugar ba ang sensura (censorship) sa isang lipunang mayroon daw demokrasya? Puwede mong sabihing ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay hindi nagsasagawa ng censorship kundi simpleng rebyu at klasipikasyon lang. Kung babasahin nga naman ang Presidential Decree No. 1986 na nagtatag dito noong 1985 at ang MTRCB Implementing Rules and […]

Pakibasa kung ikaw ay aktibista

Maniwala ka. Hindi ako katulad mo. Hindi mo dapat gamitin ang salitang “kasama” tuwing kinakausap ako. At kung ikaw ay isa pang estudyante, mas kailangan mong malaman ang isang napakahalagang bagay: Hindi mo dapat sundan ang mga yapak ko. Oo, marangal na mga propesyon ang pinili ko – ang pagiging propesor at peryodista – at […]

Pagsusulat ng konteksto’t alternatibo

Mainam na simulan ang taon sa pamamagitan ng epektibong pagpaplano’t hindi-mababaling pangako. Pero sadyang mahirap magplano sa panahong ito. Maaaring sakit ng ulo ang simpleng pagkakasya ng kakarampot na kita sa lumolobong gastusin ng pamilya. Kung estudyante ka, mahirap kumbinsihin ang iyong magulang na dagdagan ang baon mo. Ang sakit ng ulo’y madalas na pinagmumulan […]

Kaligayahan sa Kapaskuhan

Masayang kasama ang pamilya. Kahit hindi magarbo ang handaan, walang katapat na presyo ang walang-katapusang kuwentuhan at walang-humpay na tawanan. Ang dating tahimik naming bahay sa Marikina Heights ay nagmistulang palengke sa ingay ng mga nagsidatingang kamag-anak noong Pasko. Para sa katulad kong kumportable sa nakabibinging katahimikan ng aking paligid, bago ang ganitong sitwasyon. Pero […]

Regalo ko sa iyo ngayong Pasko

Ang panahong ito’y nagsisilbing tulay para mag-usap ang mga dating magkaaway. Ang mga dating hindi nagpapansinan ay nagbabatian, kahit na napipilitan. Minsan pa nga’y puwede kang makatanggap ng regalo mula sa mga hindi inaasahang tao (tulad ko?). At para sa mga may inaanak, sigurado ang pagpaparamdam ng iyong mga kumpare’t kumare. Sadyang mapipilitan kang magbigay […]

Pagtatrabaho, pagbabalik at paghihintay

DAEJEON, Timog Korea – Mabagal ang oras para sa naghihintay. Mabilis ang pagtakbo ng minuto para sa taong may sanlaksang trabaho. Paano na lang kung ikaw ay katulad kong inaantabayanan ang nakatakdang pag-alis habang nakatali sa napakaraming gawaing kailangang matapos? Sadyang kay bilis ng panahon! Ang Marsong nagdaan ay tila ilang taon na sa aking […]

Batas militar sa Maguindanao

Baka naman ang kolektibong ahitasyon ay dahil lang sa mapaglarong imahinasyon. Baka naman kailangan talagang magdeklara ng martial law (batas militar) sa Maguindanao dahil sa kaguluhang nangyayari doon. Pero mainam na basahin ang buong teksto ng Proklamasyon Blg. 1959 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Disyembre 4 na siyang batayan ng nasabing deklarasyon ng batas militar