Pag-alala sa PP 1017

February 28, 2010

Sa ating pag-alala sa nangyari apat na taon na ang nakaraan, tunay na hindi na dapat maulit ang imposisyon ng PP 1017. Hindi dapat payagang manumbalik ang batas militar sa Pilipinas. Hindi dapat hayaang manatili sa puwesto ang mga hindi karapat-dapat.

Hindi lang numero ang 43

February 21, 2010

May mukha sa likod ng estadistika, may konteksto sa bawat numero.

Mainam na bigyang pangalan ang bawat biktima ng karahasan. Hindi natin dapat hayaan ang sarili nating maging manhid sa pansamantalang ginhawang hatid ng simpleng pagtingin sa mga numero.

Pambihirang pagkakataon

February 14, 2010

Kabaligtaran ang katotohanan, katotohanan ang kahungkagan. Ang mga pangyayari’y sumusunod sa kumpas ng iilang makapangyarihan na dapat lang tutulan ng nakararaming mamamayan.

Eleksiyon, telebisyon at pakiusap sa nangungunang mga istasyon

February 6, 2010

Sa pagbaha ng walang-katuturang patalastas sa pagsisimula ng kampanya sa Pebrero 9, mainam na magkaroon ng sariling pagkukusa ang ABS-CBN at GMA na maghatid ng makabuluhang political ads. Pero may malaking magagawa rin ang mga tagasubaybay para pakiusapan silang bigyan tayong lahat ng political ads na direktang naglalahad ng paninindigan ng mga kandidato sa mga importanteng isyu.

Kung bakit dapat magparami sa UPLB

February 4, 2010

Gusto ni Chancellor Luis Velasco ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) na ipatupad ang pagkakaroon ng malalaking klase para sa lahat ng foundation at general education courses sa susunod na semestre na magsisimula sa Hunyo 2010. Kung noon ay umaabot lang sa 25 hanggang 40 ang bilang ng mga estudyante bawat klase, ngayon ay magiging 160 hanggang 250 na.

Ako, punong abala

January 23, 2010

Ang medyo maluwag na panahon sa aking pansamantalang pamamalagi sa Korea ay naging masikip sa aking pagbabalik sa Pilipinas. Sunud-sunod ang mga kailangang gawin, maraming artikulong kailangang tapusin. Nagsisimula na ring dumating ang mga imbitasyon para magbigay ng iba’t ibang lektyur, seminar at workshop at unti-unti nang napupuno ang aking kalendaryo. Enero pa lang ngayon […]

Buwagin ang MTRCB

January 18, 2010

May lugar ba ang sensura (censorship) sa isang lipunang mayroon daw demokrasya? Puwede mong sabihing ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay hindi nagsasagawa ng censorship kundi simpleng rebyu at klasipikasyon lang. Kung babasahin nga naman ang Presidential Decree No. 1986 na nagtatag dito noong 1985 at ang MTRCB Implementing Rules and […]

Pakibasa kung ikaw ay aktibista

January 11, 2010

Maniwala ka. Hindi ako katulad mo. Hindi mo dapat gamitin ang salitang “kasama” tuwing kinakausap ako. At kung ikaw ay isa pang estudyante, mas kailangan mong malaman ang isang napakahalagang bagay: Hindi mo dapat sundan ang mga yapak ko. Oo, marangal na mga propesyon ang pinili ko – ang pagiging propesor at peryodista – at […]

Pagsusulat ng konteksto’t alternatibo

January 4, 2010

Mainam na simulan ang taon sa pamamagitan ng epektibong pagpaplano’t hindi-mababaling pangako. Pero sadyang mahirap magplano sa panahong ito. Maaaring sakit ng ulo ang simpleng pagkakasya ng kakarampot na kita sa lumolobong gastusin ng pamilya. Kung estudyante ka, mahirap kumbinsihin ang iyong magulang na dagdagan ang baon mo. Ang sakit ng ulo’y madalas na pinagmumulan […]

Kaligayahan sa Kapaskuhan

December 28, 2009

Masayang kasama ang pamilya. Kahit hindi magarbo ang handaan, walang katapat na presyo ang walang-katapusang kuwentuhan at walang-humpay na tawanan. Ang dating tahimik naming bahay sa Marikina Heights ay nagmistulang palengke sa ingay ng mga nagsidatingang kamag-anak noong Pasko. Para sa katulad kong kumportable sa nakabibinging katahimikan ng aking paligid, bago ang ganitong sitwasyon. Pero […]