Huling mensahe kay Alex Remollino (1977-2010)
“Hoy! Nangangayayat ka na. ” Hindi ko akalaing ito ang huli kong mensahe kay Alexander Martin Remollino (Agosto 6, 1977-Setyembre 3, 2010). Iyon na rin pala ang huling pagkikita namin.
“Hoy! Nangangayayat ka na. ” Hindi ko akalaing ito ang huli kong mensahe kay Alexander Martin Remollino (Agosto 6, 1977-Setyembre 3, 2010). Iyon na rin pala ang huling pagkikita namin.
Sige, punahin natin ang midya. Pero dapat pa rin nating ipagtanggol ito. Ang pagpuna ay hindi pagkutya kundi indikasyon ng pag-aalala. Sa kaso ng midya, dapat na ginagawa ang pagpuna para umunlad ang kalidad ng pag-uulat.
Maikli lang naman ang aking reaksyon pagkatapos kong mapanood ang pelikulang Sigwa (2010) noong Agosto 21 sa Cine Adarna ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Wala pa ngang 10 salita ang aking pagsusuma: Sadyang hindi ako karapat-dapat na matawag na aktibista!
May birong hindi nakakatawa sa maraming paaralan: Ang wikang Filipino raw ay pang-kubeta na lang.
May malaking bentahe sa pagtatrabaho sa gobyerno. Ayaw mong maniwala? Lumalabas sa datos ng Commisson on Audit (COA) na may ilang pinagpalang kumita nang milyon-milyon. Noong 2009, halimbawa, ang sahod raw si Armand Arreza, administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ay umabot ng P26.9 milyon. Kung totoo ang datos ng COA, lumalabas na siya ang may pinakamataas na suweldo sa pamahalaan noong 2009.
Ang paborito kong salita ay "sana" at ang pangunahing bisyo ko ay "puna." Para sa isang dating aktibistang hindi marunong tumanggap ng huli, mainam na basahin itong diskursong maikli.
Kahit kontra sa etika, hayaan mong pangalanan ko ang biktima. Mayroon pong paulit-ulit na ginahasa (at patuloy na ginagahasa) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya po ay walang iba kundi si Sarah Jane S. Raymundo.
Siguro’y lipas na ang pakikibaka, minsa’y nasa isip mo. Wala nang lugar para sa protesta dahil nagbalik na ang demokrasya.
Walang masama sa desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na ipailalim sa isang pagsasanay ang ilang opisyal ng gobyerno tungkol sa tamang pakikitungo sa midya. Pero hindi ko maiwasang magduda sa intensiyon ng administrasyon kung susuriin ang pinagmulan ng desisyong ito.
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.