Ang landas ng paglilingkod ni Neri Colmenares

August 6, 2015

Halos pitong taon na bilang kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara ang abogadong si Neri. Ngayong darating na eleksiyon, lumalakas ang panawagan mula sa kilusang masa na suungin niya ang hamon ng pagtakbo sa pagkasenador.

Details of a mural by Neil Doloriocon, "Labor Movement in the Philippines". On exhibit at Sining Saysay, Gateway Mall, QC

Buhay-ahente sa likod ng linya

May 1, 2015

“Thanks for calling the costumer service. My name is ____. How can I help you?” Kadalasang sinasabi ito ng call center agents sa tuwing may kliyenteng tumatawag. Madalas, artikulante sa Ingles ang ahente at handang magbigay ng serbisyo. Pero handa din naman ba ang mga kompanya sa pagbibigay ng seguridad sa trabaho at mga benepisyo? […]

#SaveMaryJane | Suporta kay Mary Jane Veloso, dumarami

April 22, 2015

Patuloy na umaani ng suporta si Mary Jane Veloso, ang overseas Filipino workers (OFWs) na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia, mula sa iba’t ibang sektor sa loob at labas ng bansa. Isang solidarity lunch kamakailan ang idinaos ng mga kapamilya ng mga kapwa OFWs para kay Veloso. Ayon sa Migrante International, na siyang nag-organisa ng […]

Paglaban para sa kinabukasan ni Monica

April 17, 2015

Madalas banggitin ng mga magulang na edukasyon ang tanging pamana nila sa kanilang mga anak. Kaya ganoon na lamang ang pagsusumikap nila at kahit mabaon pa sa utang, igagapang nila ang mga ito sa pagpapaaral matapos lang ng kursong magbabangon sa kanilang kinabukasan. Dapat sana, katuwang ng mga magulang ang pamahalaan na siyang responsable sa […]

Unang unyon ng BPO workers, itinatag

March 30, 2015

Humigit-kumulang 70 empleyado mula sa industriya ng call centers o business process outsourcing (BPO) ang nagtipon sa Makati Medical Auditorium nitong Marso 28 para itatag ang pinakaunang unyon sa naturang industriya. Sinuportahan ang hakbang na ito ng halos 800 empleyado mula sa West Contact Services, Inc., isang kompanyang BPO na binili ng isa pang malaking kompanya […]

"Groupie protest" sa Trinoma Mall. Cynthia Espiritu

#Sinungaling | ‘Groupie protest’ isinagawa sa Trinoma Mall

March 23, 2015

Nagtipon ang mga miyembro ng Truth and Accountability Alliance at Noynoy Out Now! (NOW) sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City para sa isang tahimik na “groupie protest” kontra sa pagsisinungaling diumano ni Pangulong Aquino sa pananagutan niya sa trahedya sa Mamasapano at iba pang isyu. Nakausot sila ng itim na t-shirt na may nakasulat […]

Buhay at pakikibaka ni Nanay Mameng

February 28, 2015

Kahirapan noon, kahirapan ngayon at kahirapan pa rin ba para bukas? Kung ilang presidente na ang naluklok sa trono, pero wala ni isa sa kanila ang nakalulutas ng suliraning ito. Napapalitan lang kasi ang namumuno pero ganun pa rin ang sistema. Kaya ang mahirap ay nananatiling mahirap at ang iilan ang siyang bundat sa yaman […]

Mga batang salamin ng lipunan

January 31, 2015

Madalas ituring ang mga bata na isang biyaya. Liban sa pag-asa sila sa kinabukasan, nakapagbibigay sila ng tuwa sa bawat pamilya, at nakakaalis din ng pagod. Sa kanilang taglay na katangian, nararapat lang na arugain sila, pakainin, pag-aralin, gabayan at hayaang sa kanilang paglalaro at pakikisalamuha sa kapwa ay ganap na umunlad at lumaking kapaki-pakinabang […]

PROFILE | Marissa Cabaljao: Ang babae sa gitna ng unos

March 19, 2014

Bakit nga ba pangalan ng babae ang tawag sa mga bagyo? Isang paliwanag na di-maririnig sa mga nagpauso nito: dahil mga babae at bata ang pinaka-bulnerable tuwing may bagyo. Mga magsasakang kababaihan at mga bata, kung tutuusin. Ngayong Buwan ng Kababaihan, isa sa pinakamainit na isyung kinakaharap ng mga babaeng magsasaka, lalo na sa Eastern […]

Ka Inday Bagasbas: Puso ng maralitang tagalungsod

February 14, 2014

Para sa mga maralitang tagalungsod, mistulang demolisyon pa ang sagot ng administrasyong Aquino sa mga suliranin nila sa buhay. Maililigtas daw ang mahihirap sa tabing-ilog kapag inalis sila sa lugar. Malulutas daw ang trapik kapag nag-road widening. Maraming negosyante at dayuhan ang mahihikayat na mamuhunan sa bansa kapag ang mga gusali ay malinis. Hindi na […]