Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

Ang pagbabalik ng parusang kamatayan

Ngunit tama kaya ang kanilang dahilan, mga kasama? Una sa lahat, walang sapat na datos na nagpapakita na ang parusang kamatayan ay makakapigil sa mga kriminal sa pagsagawa ng mga mabibigat na krimen.

Kooperatiba bilang solusyon

Bawat kooperatiba ay magpapatakbo ng kanyang gawain batay sa patakaran ng voluntary and open membership, democratic member control, economic participation, autonomy and independence, community concern, inter-cooperation among cooperatives, at education, training and information para sa mga kasapi nito.

Pagtanggal dahil sa redundancy

Nangyayari ang redundancy kapag ang serbisyo ng isang manggagawa o empleyado’y labis na sa pangangailangan ng kompanya at lumalabas na hindi na nito kailangan.