FEATURED

Komunidad na unti-unting naglalaho


Binubura na sa mapa ang mga mangingisda sa Bulakan, Bulacan ng konstruksyon ng dambuhalang paliparan – habang nananalasa pa ang pandemya.

Ang Manila Bay: Reclaiming Lives ay serye ng imbestigatibo, naratibo at in-depth na mga ulat hinggil sa mga buhay at pakikibaka ng mga komunidad at mamamayang apektado ng malawakang reklamasyon sa kahabaan ng baybayin ng Manila Bay sa ilalim ng programang pang-imprastraktura na Build Build Build ng rehimeng Duterte.

Iklik para lumaki.

Dating masiglang pamayanan ng mahigit 700 pamilyang mangingisda ang Taliptip sa Bulakan, Bulacan. Ngayon, pitong pamilya na lang ang natitira sa baybaying sitio nito. At di kalaunan, mapipilitan na rin silang umalis.

Tumitigil nang manlambat ang mga mangingisdakahit kalmado ang tubig. Sa Oktubre 2020, kung hindi mapipigilan ng mga residente at non-government organizations ang 2,500-ektaryang proyektong reklamasyon ng San Miguel Corporation (SMC) at ng proyekto nitong Aerotropolis/Aerocity/New Manila International Airport. Malaking ang babaguhin sa Taliptip habambuhay, – pero hindi para sa ikabubuti nito.

Ang kampana ng kamatayan, ay binatingting nitong Setyembre 23 ng Senate Committee on Public Services, na nag-apruba sa aplikasyon ng prangkisa ng San Miguel sa pagsimula ng proyekto.

Batay sa pahayag ng SMC sa midya, ang P734 Bilyong proyekto ay magkakaroon ng apat na runway, na may sapat na espasyo para palaparin hanggang anim at kakayaning mangasiwa sa 100 milyong pasahero kada taon. Magiging bahagi ito ng mas malaking ecosystem ng imprastraktura na pulidong sasanib sa mga nakatayo nang expressway at mass rail transit na nagdudugtong sa timog at hilagang Luzon.

Pero winasak na ng proyektong Aerptropolis ng SMC ang maraming komunidad ng mangingisda. Balang araw, maghahasik din ito ng pagkawasak sa taliptip at sa nalalabing marine ecosystem ng Manila Bay.

Ayon sa abogadong si Gloria Ramos ng Oceana Philippines, mangangailangan ang proyektong reklamasyon ng 205 milyon metro kubiko ng mga panambak na materyales o katumbas ng 20 milyong dump truck na puno ng alikabok, lupa at bato para matambakan ang dagat.

Ang mamamayan ng Taliptip, mga environmentalists, non-government organizations, akademya at mga siyentista ay matindi nang tumututol sa Aerocity ng SMC.

Pagbagtas sa mga tubig ng Taliptio, napapaligiran ng mga mangrove. Francis Villabroza 

‘Kahit kailan, walang iwanan’?

Sa buong panahon, kahit habang tuluy-tuloy silang nagprotestsa laban sa Aerotropolis ng SMC, nanawagan ang mga mangingisda sa makapangyarihang conglomerate na dinggin ang kanilang panawagan para sa nakabubuhay na relocation site kung saan pwede parin silang mangisda. Sa isang Manipesto ng Pagkakaisa – iginiit ng AKAP KA Manila Bay, isang ugnayan ng mga mangingisda, taong simbahan at civil society organizations, ang kanilang mga kahingian at sinabing ang mga apektadong residete ay dapat ding bigyan ng kagamitan sa pangingisda para makapagpatuloy ng kanilang kabuhayan.

Isa sa mga alyado ng mga apektadong residente, sinabi ni Fr. Francis Cortez ng Bulacan Ecumenical Forum na ang pagharap ng SMC sa buong usapin ay may bahid at hindi sinsero.

Noong sinusubukan pa lang nilang kumbinsihin ang mga mamamayan na pumayag sa proyekto, nagpresenta sila ng mga proyektong pabahay at pangkabuhayan na sabi nila ay ipinatupad nila sa ibang lugar na nagkaroon sila ng proyekto. Nang maaprubahan ang proyekto, humantong na lang sila sa pagbabayad sa mga tao at sinabihan nilang silang umalis sa kanilang mga bahay,” sabi niya.

Ayon sa isang organisador ng AKAP KA Manila Bay, ang mga residente ng Taliptip umano ay pinapili kung pinansyal na ayuda na nagkakahalaga ng P150,000 o puwesto sa relocation site. Pero ayaw ng mga residenteng umalis kung hindi sila mabigyan ng kasiguraduhan ng pagmumulan ng kabuhayan. Pero kung matulak sa desperasyon, kung pipiliin nila ang relokasyon, kakailanganin nilang tuira sa Bulakan Evacuation Center hanggang June 2020, hanggang makahanap at makapagdevelop ang SMC ng relocation site. Inalmahan ito ng mga tao, at sa huli, nabigo ang negosasyon. Ito ay noong Disyembre 2019.

Sa simula ng 2020, ang SMC, na may kita noong 2018 na P1.02 Trilyon ay binawi ang alok na proyektong pabahay. Sa halip, sinabihan na lang ng SMC ang mga tao na tanggapin na ang alok nitong P250,000. May kondisyon itong boluntaryong gibain nila ang kanilang mgaa bahay, kunan ito ng litrato, bago sila mabayaran.

Sa 700 pamilya, umabot sa 11 lang ang pumayag sa alok ng SMC. Pero sapat ba ang P250,000 para magtayo ng sariling bahay? Ayon sa arkitekto na si Jundcy Caldito, “Ang pagtatayo ng bahay, kahit ang mahinang klase, ay magkakahalaga na ng P12,000 kada metro kuwadrado.” Ibig sabihin nito na ang 36 metro kwadradong bahay ay magkakahalalga na ng humigit kumulang P432,000.

Mga mangingisda ng Taliptip: unti-unting naglalaho. Francis Villabroza

Epekto ng pandemya 

Nang magpatupad ng lockdown sa mga komunidad ang pambansa at mga lokal na pamahalaandahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), lalong naging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan ng Taliptip.

Hinarap nila ang parehong paghihirap ng iba pang Pilipino sa buong bansa: nawalan ng trabaho at kabuhayan, dahil marami ang pinagbawalang lumabas ng tahanan. Hindi makapaglambat ang mga mangingisda, pero sa mga araw na pinayagan na sila, pinagbawalan naman silang magbenta ng kanilang huli, o napakababa ng presyo nahalos katumbas nan g wala; napilitan silang magbenta ng alimango sa P10 kada kilo.

Nariyan din ang mga operasyong panghaharas ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army na nagpapaikot ng mga sundalo sa mga komunidad na nagbabanta at nagbibigay ng mga ultimatum sa mga mangingisda.

Mula Disyembre 28, 2019, nag-iikot na ang mga sundalo sa Kinse at Dapdap, dalawa sa mga sitio kung saan malakas ang paglaban sa Aerotropolis. Sinasabi umano ng mga sundalo na nagbabantay umano sila sa mga kampo ng mga rebelled at laban sa kasuspe-suspetyang mga taga-labas. Ang mga residente naman, sa kabilang banda, ay patuloy ang pagsalo sa mga sinasabing “tagalabas” – mga estudyante, taong simbahan, siyentista at mga mamahayag – na lahat ay nagbibigay suporta sa kanila sa kanilang laban sa proyektong reklamasyon.

Hindi napigil ng lockdown at ng pandemya ang mga sundalo sa panghaharas. Ang tuluy-tuloy na presensya ng mga sundalo ay nakagagambala sa mga residente at nakakasagabal sa kanilang pangaraw-araw na buhay.

Napilitan sa lubhang mahirap na kalagayan, isa-isa, bumigay na rin ang ilang pamilya sa SMC at tinanggap ang alok na pera. Ayon sa pahayag ng SMC sa midya noong Agosto 15, sa 700 apektadong pamilya, 277 na ang naisama sapinansyal na ayuda, habang 92 sa dating nadiskuwalipika ay kinonsidera nang makatanggap ng “cash assistance”, kaya umabot na sa kabuuang 369 ang mga pamilyang nakatanggap.

Kung ano ang mangyayari sa natitirang 331 pamilya na hindi nabigyan ng ayuda ay hindi na nabanggit sa nasabing pahayag sa midya.

Hindi nakatanggap ng anuman ang mangignisdang si Mervic Canete, 29, ng Sitio Pariahan, Brgy. Taliptip. Nanirahan siya sa Taliptip ng walong taon. Ang asawa niyang si Joselyb ay pinanganak sa Taliptip at nanirahan na doon buong buhay niya.

Ang Pariahan ay komunidad na may kulumpon ng mga kabahayang nakatukod sa dagat. Marami sa mga bahay dito ay dikit-dikit, kaya nagmumuka itong malaking nakatukod na bahay gawa sa kawayan at kahoy. Gaya ng bahay ni Mervic, karamihan sa mga kabahayan sa Pariahan ay mga espasyong pinagsasaluhan. Ang mga bahay ay may iisang kusina at banyo. Ang pagkadikit-dikit na mga istruktura ay nagpapatibay din sa mga ito laban sa malakas na hangin at alon.

Sinabi ni Mervic na hindi siya isinama sa mga makakatanggap ng ayuda dahil binilang lang ng SMC ang mga kabahayan hindi ang bawat pamilya.

A resident dips into the waters that have submerged much of the community. Francis Villabroza

Isinantabi

Sabi ng mga tao ng SMC na dahil nabigyan na ang biyenan ko, at ang pamilya namin ay nakikigamit ng iisang kusina at banyo sa ina ng asawa ko, nadisqualify ako sa mga makakatanggap ng ayuda,” aniya.

Napakahirap para sa kanilang ang mabuhay na hiwalay sa pangingisda. Noong Hulyo, sinubukan ni Mervic at kanyang pamilya na bumalik sa Pariahan, para lamang pagbantaan ng kasong estafa. Aniya’y pinagbantaan sila ng mga tauhan ng SMC na sasampahan sila ng mga kasong estafa laban sa kanila dahil bumabalik sila sa luma nilang bahay kahit tinanggap nan g kanyang biyenan ang P250,000.

Nakatira nga ang pamilya ko at pamilya ng aking biyenan sa iisang bahay, pero an gaming gastusin ay hiwalay. Ngayon sinasabi ng SMC na kakasuhan kami ng estafa gayong hindi naman kami tumanggap mula sa kanila o pumirma ng kahit anong dokumento,” aniya.

Hindi naman kami humihingi ng marami, pero ang totoo ay pinupwersa kaming umalis sa aming komunidad at magsimula sa ibang lugar. Hindi ba kami karapat-dapat matulungan? Kinakaharap naming ang labis na kawalang kasiguraduhan, pero walang paki-alam ang SMC, at wala kaming naririnig mula sa lokal at maging sa pambansang gobyerno,” ani Mervic. Kung dati nabubuhay silang walang binabayarang upa, ngayon kailangan na ni Mervic at kanyang pamilya na magbayad ng upa para sa maliit na bahay sa kabyananan ng Taliptip. Napilitan din siyang aralin at magtrabaho bilang manggagawa sa construction.

Sa Kinse, pitong pamilya kabilang ang pamilya ni Teody Bacon at nanay niyang si Tessie ang tumangging tanggapin ang alok hangga’t walang ibinibigay na bahay, bukod pa sa cash assistance.

Si Teody, 45, ay mangingisda na buong buhay nang nanirahan sa Taliptip, ay isa sa mga residenteng nagsasalita laban sa Aerotropolis ng SMC.

Si Teresita Bacon, o Nanay Tessie, 65, ay residente ng Sitio Kinse at naninirahan doon kasama ang kanyang mga anak at apo. Nabubuhay sila sa pagbebenta ng alimango at alimasag na nahuhuli sa sa inilalagay nilang lambat sa mga palaisdaan sa paligid ng Manila Bay sa gawi ng Bulakan.

Sinabi ni Teody sa isang panayam sa sa newscast na Alab ng Altermidya noong Hunyo 20: “Gusto naming sabihin sa higanteng korporasyon na mula nang inagaw nila mula sa amin an gaming komunidad, marapat lang na palitannila ito ng panibagong komunidad. Dapat bigyan kami ng mga bahay para ipalit sa mga pinilit nilang gibain namin.”

Hanggang ngayon, ang pitong pamilya sa Sitio Kinse kabilang sina Teody at Nanay Tessie ay naninirahan pa rin doon, naghihintay sa ipinangakong relokasyon ng SMC sa ibang banrangay.

Sa isang ulat ng CNN noong Hunyo 15, sinabi ng SMC na plano nitong simulan ang konstruksiyon at pagtatambak sa Manila Bay ngayong Oktubre. Ngayon, kahit ang mga nakatanggap na ng ayudang pinansyal ay humaharap sa kawalang kasiguruhan dahil ang pandemya at ang krisis ay malubhang humamahagupit sa kanila. Marami sa mga mangingisda ang ginamit ang pera para magbayad ng mga utang at bumili ng pagkain at magbayad ng upa para sa pansamanala nilang tirahan dahil imposible nang makapangisda sa karagatan ng Taliptip. Ang iba ay naglakaba na pabalik sa kanilang mga pinagmulang probinsya.

Sabin i Fr. Cortez, “Hindi ko lubos maisip kung paanong nagpasya ang San Miguel na magbigay ng ultimatum sa panahong kailangang kailanganng mga tao ang kanilang tirahan at kabuhayan.”

Taliptip fisherfolk: Suffering under a pandemic and economic crisis, while being dispersed by the government and SMC from the fishing waters. Francis Villabroza

Reklamasyon laban sa buhay

Tinataya ng mga eksperto na ang pagkawala ng mga bakawan dahil sa konstruksiyon ng Aerotropolis ay lubhang makakaapekto sa huli ng isda sa Bulakan.

Sa isang Coastal Management Project ng progresibong organisasyon ng mga siyentista na Agham (Advocates of Science and Technology for the People), nalantad na 670 kilo ng huling isda ang mawawala sa kada ektaryang pagkawasak ng mga bakawan. Nasa 24 ektarya ng palaisdaan din ang tatambakan, na hahantong sa pagkawala ng mga tradisyunal na klase ng isda. Labis na maapektuhan ang papahina nan gang huli ng mga lokal na mga mangingisda.

Ito, sa huli, ay makakaapekto sa kaseguruhan sa pagkain sa kabuuan ng bansa.

Ang Bulakan, kilala bilang isa sa mga susing biodiversity area sa bansa, ay tirahan ng 22 tipo ng bakawan kabilang ang Api-api, isang matigas na tipo ng bakawan. Ang mga gubat ng mga bakawan ay nagsisilbing palakihan ng mga isda at tagalinis o nagsasala ng mga dumi na napupunta sa karagatan. Nagsisilbi rin itong epektibong saluhan ng mga karbon, sinisipsip nito ang maraming carbon na napakahalaga para labanan ang epekto ng global warming.

Kahit ang mga bata umigising sa madaling araw para manghuli ngmga alimasag at hipon gamit ang paraan ng pangangapa o gamit ang mga kamay sa pamamagitan ng pagkapkap sa mga bato at buhangin para makahuli ng mga hipon, alimasag at iba pang lamang dagat,” ani Teody.

Dagdag pa ni Mervic na sa isang magandang araw, kumikita siya dati ng P1,000 sa pangangapa ng isda.

Maayos ang buhay dati. Kung sa ibang lugar, hindi halos makakain ang mga tao ng tatlong beses kada araw. Kung nakatira ka sa tabing-dagat, posibleng makakain ng higit sa tatlong beses isang araw kung meron kang bigas. Ang dagat ang nagbibigay ng isda at mga alimasag,” ani Mervic.

Pero dati iyon. Ngayon, hindi na nila alam saan kukuha ng pagkain.

A house above the waters in Taliptip. Francis Villabroza

Pinasala sa kalikasan

Paliwanag ni Narod Eco, mananaliksik para sa Marine Science Institute ng Unibersidad ng Pilipinas, na ang baybayin ng Manila Bay kabilang ang lugar para sa New Manila International Airport ay madaling tamaan ng iba’t-ibang geological hazards gaya ng rapid land subsidence, pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, storm surge, at liquefaction.

Ang proyekto ng San Miguel ay magpapalala sa epekto ng mga ganitong panganib sa mamamayang naninirahan sa lugar, at kahit sa mga magtatrabaho at titira sa nasabing Aerotropolis,” dagdag niya.

Ang rapid land subsidence o paglubog ng ibabaw ng lupa sa lebel ng dagat ay nagpapabagal sa agos ng tubig mula sa mga ulan at nagpapatindi sa pagbaha at pagbulusok ng alon.

Dahil sa paglubog ng lupa, ang epekto ng mga storm surge o ang pagtaas ng dagat dahil sa bagyo ay lalong nagiging mapanganib. Ang unti-unting pagkiling ng lupa sa ilalim ng dagat ng Manila Bay ay ginagawang mas mapanira angg mga storm surge habang ang mga banta dulot ng mga lindol gaya ng liquefaction ay nagdudulot ng paglubog, pagtabingi o pagguho ng mga istrukturang gawa ng tao.

Kahit ang mga seawall ay di na magiging kasing bisa ng mga bakawan sa pagpigil sab aha dahil ang mga banta ay hindi isang beses lang na pangyayari at ang mga maramihang banta ay isang katotohanan at nakakaapekto sa isa’t-isa.

Malakihang napigilan ng pandemya ang paglalakbay, kaya ang industriya ng airline ay di na gaanong aktibo. Kalabisan na pinaplanong paliparan ng SMC dahil may mga nakatayo nang paliparan sa Metro Manila at Clark sa Pampanga. Pero, tigas-ulo pa ring pinanghahawakan ng korporasyon ang plano nito, ayon sa mga kritiko.
Ipinagpapalagay ng mga ekspertong ligal na ipinagbabawal ng mga pambansang batas ang pagwasak sa mga marine at coastal habitat na mahalaga hindi lang sa kaligtasan ng mga isda at buhay-dagat, kundi maging n gating mamamayan. Hindi gumalaw kahit isang daliri ang gobyerno para pigilan ito, pero nanghihikayat pa sa pagwasak ng buhay at kalikasan ng SMC.

Patuloy ang pagbabala ng mga siyentista sa mga masama at mapaminsalang epekto ng mga proyektong reklamasyon sa pangkalahatan. Totoo ang climate change at ang mga ecosystem na tumutulong panatilihin malamig ang planeta ay dapat protektahan. Ang pagtatanim ng libu-libong mga binhi ng bakawannay hindi mapupunan ang pagputol ng libu-libong magulang nang puno ng bakawan at ang pagtambak sa libu-libong ektarang karagatan at latian.

Ang mga mangingisda na nag-aambag sa suplay ng pagkain ng bansa naman, ngayon ay napapanood kung paano winawasak ang kanilang mga komunidad sa harap mismo nila.


BASAHIN: Ulat ng Pinoy Weekly noong 2018 hinggil sa paglaban ng mga mangingisda ng Taliptip laban sa Aerotropolis ng SMC
PANOORIN : 2018 bidyo-ulat ng Film Weeklyhinggil sa mga mangingisda ng Taliptip

BASAHIN: Ang ulat na ito sa wikang Ingles