Photo Gallery

#MarcosNoHero | Kabataan, mulat sa paglaban sa tiraniya

November 28, 2016

Bitbit ang malikhaing mga plakard kontra sa Marcos burial, silang mga tinaguriang “millennial” ang nagbigay ng bagong mukha sa mahaba at makulay na tradisyon ng pampulitikang protesta sa bansa.

Nagsalita ang kabataan. Walang duda, ang bulto ng mga dumagsa sa Luneta Park sa Maynila nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 25, ay mula sa iba’t ibang eskuwela, iba’t ibang komunidad, at sinamahan ang iba’t ibang sektor ng lipunan. Depende sa tumataya, mula 15,000 hanggang 20,000 ang dumalo. Bitbit ang malikhaing mga plakard, silang mga tinaguriang “millennial” ang nagbigay ng bagong mukha sa mahaba at makulay na tradisyon ng pampulitikang protesta sa bansa.

Ang totoo, walang “eksperto” sa telebisyon at radyo ang nakahula na mga kabataan, mga millennial pa, ang mangunguna sa pagkondena sa paghirang sa nasirang diktador na si Ferdinand Marcos bilang bayani. Pero napatunayan ng kabataan na ipinagpapatuloy lang nito ang aktibong pakikilahok ng mga anak ng bayan sa paghubog ng pampulitikang buhay ng bansa–mula pamumuno sa paglaban sa kolonyalismong Espanyol at Amerikano, hanggang paglaban sa diktadura (kabataan ang namuno sa kilusang makabayan noong dekada ’60) at sa susunod na mga rehimen (lumahok ang kabataan sa Edsa Dos, mga pagkilos kontra kina Arroyo at Aquino).

Sa mga sumubaybay sa kasaysayan, hindi nakakapagtaka ang kanilang paglahok noong Biyernes.

Mga larawan ng protesta sa Luneta, sa ibaba:


[Template "responsive" not found]
Tampok ang mga larawan nina Jo A. Santos, Cindy Aquino, Jaze Marco, Sid Natividad at JL Burgos.

 

Pinoy Weekly

Pinoy Weekly

This is a product of collaboration between writers, photographers and/or artists of Pinoy Weekly.