Karapatang Pantao

Lider katutubo sa Kordilyera, hinaharas


Ikinababahala ngayon ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) ang kaligtasan ng kanilang lider na si Xavier Akien, Vice Chairperson for Internal Affairs, na sinusundan ngayon ng mga hinihinalang elemento ng militar. Naunang naitala ang pagsunod noong Abril 6, matapos umanong mag-grocery si Akien kasama ang kaniyang asawa. Sa daan pauwi sila sinundan ng dalawang van at dalawang […]

CPA

Ikinababahala ngayon ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) ang kaligtasan ng kanilang lider na si Xavier Akien, Vice Chairperson for Internal Affairs, na sinusundan ngayon ng mga hinihinalang elemento ng militar.

Naunang naitala ang pagsunod noong Abril 6, matapos umanong mag-grocery si Akien kasama ang kaniyang asawa. Sa daan pauwi sila sinundan ng dalawang van at dalawang motorsiklo. Dahil dito, nagpasyang dumiretso ang dalawa sa La Trinidad Municipal Police para ireport ang pangyayari.

Nilapitan umano ng mga pulis ang nasa motorsiklo at sinabing naghahanap lang umano sila ng trabaho kaya nila sinusundan si Akien. Wala umanong pagkakakilanlan ang mga nakausap ng pulis, ayon kay Akien.

Nitong ika-13 ng Abril muling sinundan si Akien ng isang van at kinunan pa siya ng larawan ng mga nakasakay habang siya ay bumibili ng tinapay sa Abatan, Buguias, Benguet.

Naniniwala si Akien na operasyon umano ng militar ang nangyayari sa kaniya.

“I am very concerned over my security. Harassments and other forms of human rights violations against members and leaders of peoples’ organizations must be stopped. We are no criminals, we are just activists. Is it a crime to organize and mobilize people and communities for them to participate in solving their own problems and improving their situation?” ayon kay Akien.

Dagdag pa niya, pinag-iinitan ang CPA dahil sa mga kampanya nito at aktibidad para sa pagprotekta sa kalikasan lalo na laban sa pagmimina at enehiya, para sa karapatan ng katutubo, sa disaster response, at para sa sustainable development.

Hindi na umano bago sa CPA ang ganitong paglabag sa karapatang pantao. Sa ibang mga kaso, ang ganitong surveillance at harassment ay nauuwi sa pamamaslang gaya sa kaso ni Markus Bangit noong 2006, William  Bugatti noong 2014, at iba pang martir sa Kordilyera.

And this is not the first time that I myself experienced being subjected to surveillance and harassment over the past years. Only the State military agents can do this to us, purposely to suppress the growing people’s resistance against the entry of big and destructive projects in our communities,” ayon kay Akien.

Kinokondena ng CPA ang panghaharas na it kay Akien at nanawagan ng agarang imbestigasyon sa insidente. Naniniwala ang sila na hindi hiwalay na insidente ang nangyayari ngayon kay Akien kundi bahagi ng Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino.