Main Story Photo Gallery

LARAWAN | #May1Fight: Pagbitiw ni Aquino, muling hiniling ng obrero’t mamamayan


Humigit-kumulang 20,000 katao ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio, Maynila sa maiinit na Araw ng Paggawa para muling hilingin ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino. Ang kanilang batayan: pagpapahirap umano sa mga manggagawa at pagpapabaya umano sa mga mamamayan na dumulo sa iba’t ibang pambansang trahedya tulad ng muntik nang pagbitay sa overseas Filipino worker na si […]

Humigit-kumulang 20,000 katao ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio, Maynila sa maiinit na Araw ng Paggawa para muling hilingin ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino. Ang kanilang batayan: pagpapahirap umano sa mga manggagawa at pagpapabaya umano sa mga mamamayan na dumulo sa iba’t ibang pambansang trahedya tulad ng muntik nang pagbitay sa overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso, pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, at iba pa.

Hindi nakapigil sa mga tao na dumagsa sa protestang ito na pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at AllWorkers’ Unity kahit na nabalitang umabot sa 40 degrees ang init noong araw na iyon. Matapos ang programa sa Liwasang Bonifacio, nagmartsa ang mga demonstrador patungong Mendiola, sa paanan ng Malakanyang, para iparating ang panawagang pagbibitiw ni Aquino at igiit ang P16,000 pambansang minimum na sahod sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

Narito ang ilang larawan ng dambuhalang kilos-protesta:

Pula ang kulay ng militanteng mga manggagawa, at nagwagayway ito sa buong protesta sa Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. <b>Pher Pasion</b>
Pula ang kulay ng militanteng mga manggagawa, at nagwagayway ito sa buong protesta sa Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Pher Pasion
Nagsimulang magtipon sa harap ng Liwasang Bonifacio ang mga tao. <b>Ram Talabong</b>
Nagsimulang magtipon sa harap ng Liwasang Bonifacio ang mga tao. Ram Talabong
Simula ng martsa patungong Mendiola. <b>Darius Galang</b>
Simula ng martsa patungong Mendiola. Darius Galang
Tinutugunan ng programang K-to-12 sa sistema ng edukasyon ang demand para sa murang lakas-paggawa ng multinasyunal na mga korporasyon, ayon sa mga grupong pangkabataan. <b>Mykel Andrada</b>
Tinutugunan ng programang K-to-12 sa sistema ng edukasyon ang demand para sa murang lakas-paggawa ng multinasyunal na mga korporasyon, ayon sa mga grupong pangkabataan. Mykel Andrada
Muling panawagan ng Kilusang Mayo Uno ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino sa puwesto. <b>Macky Macaspac</b>
Muling panawagan ng Kilusang Mayo Uno ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino sa puwesto. Macky Macaspac
<b>Macky Macaspac</b>
Macky Macaspac
<b>Pher Pasion</b>
Pher Pasion
<b>Frances Cyril Clemente</b>
Frances Cyril Clemente

 

<b>Pher Pasion</b>
Pher Pasion
Batayan din ng panawagang magbitiw si Aquino ang trahedya sa Mamasapano. <b>Mykel Andrada</b>
Batayan din ng panawagang magbitiw si Aquino ang trahedya sa Mamasapano. Mykel Andrada

 

Si Aquino bilang grim reaper, sinimulang sunugin ng mga demonstrador pagdating ng Mendiola. <b>Darius Galang</b>
Si Aquino bilang grim reaper, sinimulang sunugin ng mga demonstrador pagdating ng Mendiola. Darius Galang
<b>Macky Macaspac</b>
Macky Macaspac
<b>Darius Galang</b>
Darius Galang

 

Nagsalita sa programa sa Mendiola si Nanay Celia Veloso, ina ni Mary Jane na muntik nang masalang sa firing squad sa Indonesia, na nagpasalamat sa progresibong mga organisasyon at publiko sa pagpapatuloy ng laban ng kanyang anak. <b>Macky Macaspac</b>
Nagsalita sa programa sa Mendiola si Nanay Celia Veloso, ina ni Mary Jane na muntik nang masalang sa firing squad sa Indonesia, na nagpasalamat sa progresibong mga organisasyon at publiko sa pagpapatuloy ng laban ng kanyang anak. Macky Macaspac