Celia Veloso, iba pang nanay binigyang-pugay sa Araw ng mga Ina

May 11, 2015

Mothers Walk for Mary Jane, isinagawa sa Quezon Memorial Circle sa Araw ng mga Ina. <strong>Pher Pasion</strong>

Mothers Walk for Mary Jane, isinagawa sa Quezon Memorial Circle sa Araw ng mga Ina. Pher Pasion

Bitbit ang mga rosas at mga lobo, sama-samang ginunita ng mga nanay ang Araw ng mga Ina na pinangunahan ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane Veloso, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Kasama ang mga grupong Gabriela, Gabriela Women’s Party at Migrante International, tinawag nila itong “Mothers Walk for Mary Jane” bilang patuloy na pasasalamat sa mga ina na sumuporta kay Mary Jane at pagpapatuloy sa panawagan na mailigtas siya at mapauwi na sa Pilipinas.

“Nagpapasalamat po ako at buo naming pamilya sa lahat ng mga tumulong sa aking anak. Bilang ina, kailangan po nating maging matatag at ipaglaban ang para sa atin. Huwag tayong pumayag na habambuhay ay tapak-tapakan tayo,” ayon kay Celia.

Celia Veloso, ina ni Mary Jane, na nag-abot ng mga rosas sa mga ina sa Quezon Memorial Circle habang nagpapasalamat sa mga ina at pagbibigay pagbati sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina. <strong>Pher Pasion</strong>

Celia Veloso, ina ni Mary Jane, na nag-abot ng mga rosas sa mga ina sa Quezon Memorial Circle habang nagpapasalamat sa mga ina at pagbibigay pagbati sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina. Pher Pasion

Ayon naman kay Gabriela Women’s Party Rep. Emmi De Jesus, kanilang ipinagdiriwang ang araw na ito sa diwa ng pagpapahalaga sa mga nanay sa pagtataguyod ng mga isyu sa kanilang komunidad, sa mga isyu ng bayan.

Nakiisa din sa nasabing pagtitipon ang mga ina ng mga overseas Filipino workers na nakakulong sa ibayong dagat. Nanawagan si Editha Dacanay, ina ni Rose Dacanay na nasa death row ngayon sa Saudti Arabia, ng tulong sa publiko.

Gayundin ang tulong na hinihingi ni Maritess Aquino, ina ni Edmar Aquino na anim na tanon ng nakakulong sa Iran.